Paa ni Yves Flores butas sa military training: Gusto ko nang mag-quit | Bandera

Paa ni Yves Flores butas sa military training: Gusto ko nang mag-quit

Reggee Bonoan |January 19,2020
facebook
share this

Paa ni Yves Flores butas sa military training: Gusto ko nang mag-quit

Reggee Bonoan - January 19, 2020 - 12:19 AM

ELMO MAGALONA, NASH AGUAS, GERALD ANDERSON JEROME PONCE AT YVES FLORES

CURIOUS kami kung anong programa ang itatapat ng GMA sa bagong teleserye ng ABS-CBN na “A Soldiers Heart” dahil nakasisiguro kaming mahihirapan na naman silang talunin ang pagbabalik-serye ni Gerald Anderson.

Makakasama ni Gerald dito sina Nash Aguas, Jerome Ponce, Vin Abrenica, Yves Flores, Elmo Magalona, Carlo Aquino at Sue Ramirez mula sa Star Creatives na idinirek nina Richard Somes at Albert Panaligan.

Bukod sa galing ng mga bida, mahuhusay din ang susuporta sa kanila tulad nina Irma Adlawan, Ariel Rivera, Nikki Valdez, Mickey Ferriols, Raymond Bagatsing, Rommel Padilla, Ketchup Eusebio at Sid Lucero.

Action-drama ang “A Soldiers Heart” na naka-focus sa kuwento ng pamilya at sa pagmamahal sa bayan.

Anyway, nagkuwento ang pitong gaganap na sundalo sa serye kung gaano kahirap ang dinanas nilang training sa Philippine Army para maging reservist. Talaga raw walang VIP treatment na ibinigay sa kanila.

Si Yves na halos sumuko na ay nabutas ang paa, “Sobrang nahirapan po kami physically, kasi more on takbo, more on cardio.  Nabutas ‘yung paa ko (sabay pakita ng litrato na talagang lumabas ang laman), nagpaltos. Kasi basa kami tapos tumatakbo, e, pag sundalo ka walang umaaray kahit dumudugo ka na.

“Yung training kasi namin for reservist like ‘yung ginawa ni Matteo (Guidicelli), ganu’n din ang ginawa namin. Masakit kasi ‘yung boots (combat boots) ko, nakikiskis sa balat, matagal din bago gumaling, mga one week,” aniya pa.

“Hindi po puwede (time out), mababait naman ‘yung mga sundalo, binigyan nila ako ng napkin (sanitary) tapos ipapatong, ganu’n ang technic kasi malambot pero hindi pa rin.

“Pag-uwi ko, ‘yung medyas dumikit na sa balat (sobrang sakit). Naisip ko ring mag-quit talaga, pero pinush ko ang sarili ko. Sabi ko pag hindi ko tinapos ito, baka pagsisihan ko. Ito ang pinakamahirap na ginawa ko sa buong buhay ko kaya sobrang proud po ako,” kuwento ni Yves.

Tungkol naman sa lovelife, single na siya uli matapos hindi mag-work ang relasyon niya sa isang non-showbiz girl. Pero aniya, mas gusto pa rin niya ang hindi taga-showbiz na GF.

“Mahirap po kasi kapag showbiz, mas maganda pang hindi kasi tahimik,” katwiran ng binata. Maski crush daw na aktres ay wala rin, “Kasi inilalagay ko sa mind ko na wala at hindi puwede.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang lakas naman ng self-control ng aktor, huh! At tama rin naman na career muna ang atupagin niya dahil mahusay din siyang aktor pero pansin namin medyo mabagal ang pagsikat ng binata kaya payo namin sa kanya, magpakitang-gilas sa “A Soldiers Heart.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending