Maricel, Jodi, Sam, Iza patalbugan ng akting sa 'What Matters Most' ng ABS-CBN | Bandera

Maricel, Jodi, Sam, Iza patalbugan ng akting sa ‘What Matters Most’ ng ABS-CBN

Reggee Bonoan |January 19,2020
facebook
share this

Maricel, Jodi, Sam, Iza patalbugan ng akting sa ‘What Matters Most’ ng ABS-CBN

Reggee Bonoan - January 19, 2020 - 12:14 AM

NITONG Biyernes ginanap ang storycon para sa bagong teleserye ni Sam Milby kasama sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Maricel Soriano.

Ito’y may titulong “What Matters Most” mula sa unit ni Julie Ann R. Benitez at ididirek ni FM Reyes.

Bago ito, nabanggit na sa amin ng manager ni Sam na si Erickson Raymundo, Presidente at CEO ng Cornerstone Entertainment ang tungkol sa serye nang makausap namin noong Huwebes.

Tanong namin kung ano ang role ni Sam at kung tulad din ito sa seryeng Halik na talagang umingay ang pangalan niya bilang si Ace na kabit si Jade (Yam Concepcion). Pero sa huli ay na-redeem naman ng aktor ang karakter niya.

“Hindi ko pa masyadong alam, pero ang alam ko hindi siya masyadong masama, bukas ko pa malalaman sa storycon,” sagot ni Erickson.

Dagdag pa niya, “Nakakatuwa nga di ba kahit gaano kasama ni Sam sa Halik, walang masyadong galit sa kanya kasi alam naman ng lahat na mabait talaga siya sa personal.”

Hirit namin, mas bagay kay Sam ang kontrabida role para mabago ang image nitong mabait. Sana maging kasing ingay din ng karakter niya as Ace ang role niya sa “What Matters Most.”

Bukod kina Maricel, Iza at Jodi ay nakita rin naming kasama sa serye sina Zaijian Jaranilla, Chantal Videla, Brendamage at Alvin Anson.

Ito ang follow-up serye ni Maricel pagkatapos ng “The General’s Daughter,” samantalang si Iza naman ay huling napanood sa “Ngayon at Kailanman” nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Si Jodi naman ay bumida noon sa “Sino ang May Sala” at bukod sa “WMM”, ipalalabas na rin sa Enero 22 ang digital series niyang “My Single Lady” sa iWant.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending