Mocha sa pagtulong ni VP Leni sa mga bakwit: Totoo bang pandesal lang ang ipinamigay mo? | Bandera

Mocha sa pagtulong ni VP Leni sa mga bakwit: Totoo bang pandesal lang ang ipinamigay mo?

Alex Brosas - January 17, 2020 - 07:17 PM

SINAGOT ni Mocha Something ang aria ni Vice President Leni Robredo matapos itong magpakalat ng fake news.

Ipinost kasi ni Mocha ang message ng isang basher who said na ilang pirasong pandesal lang ang laman ng relief goods ni VP Leni para sa nabiktima ng Taal volcano eruption.

“While our people are suffering from an unfortunate tragedy, this bearer of fake news continues to receive salary out of taxpayers’ money. Let’s all help put a stop to the proliferation of lies,” say ni VP Leni sa Twitter.

Sumagot naman si Mocha sa kanyang blog, “Bakit hindi na lamang niya sinagot ang issue? TOTOO BANG PANDESAL LANG ANG PINAMIGAY MO???

“Bakit inilihis na naman sa akin ang usapin? Dahil lang ba sa binigyan natin ng boses ang mga taong nadismaya sa kanya? Kung ako ay may pananagutan sa mga Pilipino bilang isang kawani ng gobyerno, mas malaki ang pananagutan mo VP Leni dahil ikaw ay Bise Presidente.
“Kahit hindi pa tayo sigurado kung ikaw nga ba talaga ang nanalo, hawak mo ang posisyon na yan. Kaya may karapatan ang mga pilipinong kiwestyunin ka. Hindi porke’t ako ay isa sa mga nagbigay ng boses sa kanila, ay pwede mo na lamang balewalain ang kanilang boses at sabihing fake news lang.”

Basag na basag si Mocha sa lait sa kanya ng taumbayan sa social media.

“I hate this girl sayang pinapasweldo namin sayo wala ka pang magandang ginagawa kundi magkalat ng fake news, nakakairita ka na ikaw na lang laging nakikita sa FB buti sana kung matino kang tao haist! Bakit ba nagkalat ang mga taong ganyan ngaun sa gobyerno kahit sino na lang basta inapoint na lang.”

“Malakas ang loob mo dahil nakasandal ka kay Digong. Pag wala na sya sa pwesto, kawawa ka sa mga kasong kakaharapin mo. Good luck na lang sa yo.”

“Wehhh, di nga Mocha? Ikaw may ginagawa ka ba? Oo nga pala, may ginagawa ka nga pala. Madami kang ginagawang FAKE NEWS. Wag kami girl!!!!”

“Parang siya walang pananagutan sa taumbayan… Lukaret… Si VP Leni maayos na nagtatrabaho bilang VICE PRESIDENT pero pilit na inaalisan ng Administrasyon ng tungkulin. Kayo ang managot sa taxpayers kasi kayo ang walang ginagawa para sa nakakaraming Pilipino.”

“HINDI KA KALEVEL NI VICE PRESIDENT LENI MOCHA, ISA KA LANG BASTOS NA DANCER AT WALANG LAMAN ANG UTAK GINAGAMIT KA LANG AS UTUSANG TAGAPAG PALAGANAP NG FAKE NEWS AT PERA NG TAONG BAYAN ANG BINABAYAD SA IYO KAPAL AT GARAPAL, WALANG DECENCY!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending