DAHIL sa naganap na trahedya dulot ng pagsabog ng bulkang Taal ay naalala ko ang kwento tungkol sa isang pulitiko na masaya kapag may trahedyang nangyayari sa kanilang lalawigan.
Lilinawin ko lang na walang kinalaman dito ang mga lider sa mga lalawigang nakapaligid sa Taal dahil ang ating kwento ngayong araw ay malayo rito.
Si Mr. Politician ay dating gobernador sa kanilang lalawigan na madalas ring dumanas ng natural disaster.
Pero imbes na mabahala ay tila ready lagi si Sir sa kanyang contingency measures lalo na sa pagpapalabas ng pondo mula sa kapitolyo.
Sinabi ng aking cricket na nakaipon ng ilang mga properties sa lalawigan at ilan pang bahagi ng bansa si Sir dahil sa kanyang husay sa paghawak ng pondo ng baya, literally.
Sa pagmamanman ng aking cricket ay nabisto nya na malaki pala ang tongpats ni Sir sa mga binibiling relief goods para sa nasasakupan niyang mga bayan.
Pero ang matindi rito ay ang paghingi niya ng ekstrang blank receipt sa suki niyang mga supplier.
Sa blangkong resibo niya isinusulat ang dinuktor na halaga ng mga binibili niyang gamot at food items para sa mga biktima ng kalamidad sa kanilang lalawigan.
Mahusay lang magtago ng kalokohan ang ating bida dahil sa marunong siyang makihalobilo sa kanyang mga constituents.
Ang pulitikong yumaman dahil sa pangungupit sa pondo ng bayan tuwing may sakuna ay si Mr. J….as in Jokla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.