Sikat na male celeb dedma na sa pag-aasawa: Wag nang pilitin ang ayaw! | Bandera

Sikat na male celeb dedma na sa pag-aasawa: Wag nang pilitin ang ayaw!

Cristy Fermin - January 17, 2020 - 12:45 AM

BINABANTAYAN talaga ng mga miron ang personal na buhay ng isang pamoso at guwapong aktor. Para bang napakalaking problema para sa kanila ang hanggang ngayo’y pagiging binata pa rin ng male personality.

Sa kahit saang umpukan ay siya ang pinagpipistahan, siya ang palaging paksa, windang ang magkakaharap kung bakit nga ba ayaw pang mag-asawa ng guwapong personalidad.

Kuwento ng aming source, “Ang akala n’yo ba, e, mga tsismosa lang ang nagkukuwentuhan kung bakit wala pa rin siyang girlfriend?

“Aba, kahit ang mga kasamahan niyang artista kapag nagkakasama-sama, siya rin ang topic! Palaging ang lovelife niya ang pinagtsitsismisan ng mga kapwa niya artista!

“Nakakaloka! Para bang inip na inip na silang magpakasal ‘yung tao, samantalang ‘yung tao ngang pinagpipistahan nila, e, wala namang planong mag-asawa!

“Kahit pa kaladkarin nila ang male personality na ‘yun papunta sa simbahan, e, hindi pa rin siya mapipilit, sa totoo lang! Ayaw niya, ‘yun lang!” napapailing na unang kuwento ng aming impormante.

Marami nang pangalang naugnay sa male personality, pero wala namang nagaganap na milagro, parang hindi siya seryosong hanapin ang personal niyang kaligayahan.

Patuloy ng aming source, “Paano naman nila mapipilit magpakasal ang isang taong ni hindi naman ikino-consider ang pag-aasawa? Ang dami-dami na niyang pangakong napako, di ba?

“Ang sabi niya, pagdating niya sa ganito at ganyang age, e, mag-aasawa na raw siya! Pero lampas na siya sa age na sinasabi niya, wala pa rin naman siyang asawa hanggang ngayon!

“Huwag na lang kasi nilang pakialaman ang personal life ni ____ (pangalan ng guwapo at sikat na male personality), kung sa maligaya ba siya nang ganyan, ano ang magagawa nila?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“E, sa maligaya siya nang paganyan-ganyan lang siya, bakit siya kailangang i-pressure? Kung sa ayaw niyang magkaasawa at magkaanak para may tumawag sa kanya ng papa o daddy, ano naman ang keber nila du’n?” pagtatapos ng aming source.

Getlak n’yo ‘yun, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kuha n’yo na kung sino siya, malinaw?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending