Horoscope, January 17, 2020 | Bandera

Horoscope, January 17, 2020

Madam Sophia |January 17,2020
facebook
share this

Horoscope, January 17, 2020

Madam Sophia - January 17, 2020 - 03:07 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2020 hindi maiiwasan ang problema, pero maiiwasan ang mga taong walang kuwenta. Iwasang makipagkuwentuhan sa kanila, upang hindi ka mahawahan ng kamalasan. Sa halip, maglalapit ka sa mga taong alam mong sinusuwerte, bandang huli malilipat sa iyo ang suwerte nila. Markahan ang 1, 9, 19, 28, 40 at 46. Green at orange ang buenas. Swerte sa initial na D. at S.
Aries – (Marso 21-April 19) – Bagamat okey na ang trabaho, maghanap ka pa rin ng dagdag pang pagkakakitaan upang mas madaling lumago ang kabuhayan. Sa lovelife, ituloy ang pakikipagrelasyon sa isang Sagittarius, sa piling niya mas mabilis na uunlad ang inyong kabuhayan. Markahan ang 8, 16, 23, 34, 43, at 47. Yellow at pink ang buenas. Swerte sa initial na R. at T.
Taurus – (April 20-May 20) -Sa lovelife, wag ng pakawalan ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre, ka-tugma mo siya. Sa pinansyal, ang nasabi ding kasuyo ang sa iyo ay magpapayamana. Markahan ang 6, 18, 24, 37, 42 at 49. Blue at maroon ang buenas. Swerte sa initial na K. at L.
Gemini – (May 21-June 21)- Susuwertehin ka sa taong ito sa mga kalakal na may kaugnayan sa metal, tulad ng cell phone, computer, at iba pang modernong kumunikasyon at iba pang kasangkapang yari sa metal. Sa lovelife, habang lumalapit ang Chinese New Year, lalo namang iigting ang romansa at pagmamahalan. Markahan ang 5, 9, 23, 32, 37 at 40. Silver at gray ang buenas. Swerte sa initial na M. at R.
Cancer – (June 22- July 22) -Sa lovelife, kung nanlalamig ang relasyon ikaw ang mag-initiate upang ito ay muling uminit. Sa pinansyal ipakita sa kanila ang ehemplo ng isang masinop at masikap na pamumuhay. Oo, umpisahan mo ng magpayaman ngayon. Markahan ang 4, 8, 22, 32, 37 at 49. Green at gold ang buenas. Swerte sa initial na K. at L.
Leo – (July 23 – August 22)- Kapag nagbilad sa unang sikat ng araw sa umaga, sa taong ito ng 2020, lalo kayong susuwertehin at magkakaroon ng mas marami pang magagadnang kapalaran. Sa lovelife, mamayang gabi magpamasahe sa minamahal. Markahan ang 7, 9, 20, 29, 30 at 45. Blue at yellow ang buenas. Swerte sa initial na P. at O.
Virgo – (August 23 – September 22)- Sa taong ito ng 2020 mas malaking halaga ang kikitain kung matututong mag-meditate araw-araw. Sa lovelife, laging yayain ang kasuyo sa pagsisimba at iba pang gawaing may kaugnayan sa ispirituwalidad upang lalong tumibay at tumatag ang inyong pagmamahalan. Markahan ang 3, 12, 27, 32, 39 at 49. Blue at silver ang buenas. Swerte sa initial na L. at B.
Libra – (September 23-October 23) -Bukas ngayon ang bintana ng langit, kaya naman sa taong ito ng 2020, humiling ka at siguradong pagbibigyan. Habang yong mga pangarap at adhikain mo na hindi natutupad, isa-isa ng magkakatotoo at mabibigyang katuparan ngayon taong ito ng 2020. Markahan ang 3, 15, 24, 33, 42 at 48. Lilac at green ang buenas. Swerte sa initial na L at R.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Habang lumalamig ang panahon pagpatak ng dilim, romansahin ang kasuyo na matampuhin upang muling umiinit ang nanlalamig na relasyon. Sa pinansyal, magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain, upang yumaman. Markahan ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Blue at red ang buenas. Swerte sa initial na W. at B.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Kung may problema na naman, ituloy ang nakaugaliang pagdarasal. Tunay ngang ang taintim na panalangin ay nakapagpapabago ng buhay, nakapagdadagdag ng suwerte at magandang kapalaran sa lahat ng aspeto ng buhay. Markahan ang 2, 16, 23, 32, 41, at 48. Violet at orange ang buenas. Swerte sa initial na J. at U.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Sa taong ito ng 2020 gawing kalugod-lugod ang trabaho. Kung masaya ka sa ginagawa mo, mas madali kang yayaman. Sa lovelife, kung kapwa kayo maligaya ng kasuyo, mas maraming suwerte at biyaya ang darating. Markahan ang 4, 17, 25, 31 35, at 40. Green at yellow ang buenas. Swerte sa initial na P. at R.
Aquarius – (January 20 – February 18)-Ang mga problema ay bigla na lang dumating, kaya bigla rin yang mawawala. Kapag hindi mo na iniisip ang problema, magtatampo yan at kusa ng lilisan sa iyong buhay. Ang pinakamabuti mong gawin ngayon ay magsaya at maglibang upang makalimot. Hanapin at sumama sa mga gimmick ng kaibigang Libra. Markahan ang 4, 13, 18, 27, 33 at 46. Black at green ang buenas. Swerte sa initial na V. at N.
Pisces – (February 19 – March 20) -Wag mag-alala, sa pinansyal, kung kailan ka walang-wala bigla ang dating ng napakalaking halaga. Sa lovelife, hintayin ang pagdating ng isang Scorpio upang ikaw ay habang buhay ng lumigaya. Markahan ang 4, 13, 28, 31, 40 at 49. White at blue ang buenas. Swerte sa initial na S. at R.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending