outbrain

Horoscope, January 15, 2020

By Madam Sophia January 15,2020
share this

Horoscope, January 15, 2020

By Madam Sophia January 15,2020
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Lahat ng magaganda ay nakatakdang mapasa iyo sa taong ito ng 2020. Magandang bahay, magandang trabaho, magandang sasakayan. At nakatakda ring gumanda ng gumanda ang aspetong pang-lovelife. Markahan ang 6, 9, 28, 30, 40 at 45. Purple at pink ang buenas. Swerte ang initial na N. at W.
Aries – (Marso 21-April 19) – Sa taong ito ng 2020 higit sa iyong inasahan ang grasyang darating. Kapag maraming grasya, ipunin ang iba at ipamahagi naman ang sobra sa mga mahihirap at kapos-palad. Sa lovelife wag tipirin ang minamahal, dahil libre naman ang page-express ng pag-ibig, ng lambing at ng pagmamahal. Markahan ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Red at pink ang buenas. Swerte ang initial na R. at M.
Taurus – (April 20-May 20) – Sa taong ito ng 2020 ipriority ang pagpapaganda at kalusugan upang maiwasan ang pagkakasakit. Sa lovelife sa malusog na pangangatawan, mas masarap na romansa ang mararanasan. Markahan ang 7, 16, 26, 33, 38 at 42. Blue at lilac ang buenas. Swerte ang initial na L at K.
Gemini – (May 21-June 21)-Asdikasuyin mo ang pagpapayaman, dahil sapanahong ito ng iyong buhay, maraming ibibigay sa iyo ang langit na mga oportunidad na pagkakaperahan. Sa lovelife, okey lang na kunsintihin ang luho ng kasuyo tutal pareho naman kayong nasasarapan. Markahan ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. White at silver ang buenas. Swerte ang initial na B. at X.
Cancer – (June 22- July 22) – Masosolusyunan ang problema kung sa halip na emosyon, rason at pratikalidad ang pagaganahin. Habang hinahawakan at sinusupil mo ang iyong damdamin, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Markahan ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Green at violet ang buenas. Swerte ang initial na H. at O.
Leo – (July 23 – August 22)- Ngayong taong ito magkakahalo ang suwerte at magagandang kapalarang darating. Ang lahat ng iyong inaasahan ay matutupad na at mangyayari din ang mga bagay na hindi mo naman inaasahan, pero sa tuwi-tuwina ay magdudulot ng positibo at magagandang pa ring resulta. Markahan ang 7, 9, 13, 28, 36, at 48. Gray at yellow ang buenas. Swerte ang initial na V. at C.
Virgo – (August 23 – September 22)-Sa taong ito ng 2020 bilis ang susi upang lumigaya at umunlad ka agad. Sa anumang transakyong papasukan, bilisan mo ang pagkilos upang tumabo ka ng malaking halaga. Sa lovelife, bilis din ang susi upang muling mag-alab ang naghihingalong relasyon. Markahan ang 1, 10, 19, 28, 34, at 45. Yellow at gold ang buenas. Swerte ang initial na J. at P.
Libra – (September 23-October 23)- Sa taong ito ng 2020 hindi ka dapat magpabigla-bigla ng desisyon. Sa kawalang ingat may malaking problemang makakaharap. Sa lovelife, wag agad papatol sa isang relasyong hindi pa napapanahon at hindi pa dapat. Markahan ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Violet at blue ang buenas. Swerte ang initial na P. at F.
Scorpio – (October 24 – November 21) -Magiging mabunga ang taong ito ng 2020 kung lalakasan mo ang iyong loob. Bagay sa iyo ang diskarteng sugod ng sugod upang mapitas ang malaking tagumpay at tuloy-tuloy na pag-unlad. Sa lovelife, ngayon pa lang, iplano na ang gagawing pamamasyal sa summer. Markahan ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Red at black ang bueans, Swerte ang initial na C. at N.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Ang iba ay kailangang pang magdagdag ng kilos at gawain upang umunlad at yumaman, pero ang sa iyo ay kakaiba, sa taong ito ng 2020, kahit hindi ka magsagawa ng extra pagkilos, kusa kang lalapitan ng suwerte at magandang kapalaran. Sa panahong ito lalo darami at lalakas ang iyong kinikita at marami pang suwerteng hindi inaasahan ang darating. Markahan ang 3, 6, 17, 24, 38 at 45. Purple at pink ang buenas. Swerte ang initial na S. at I.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Sa taong ito ng 2020 umpisahan mo ng palaguin ang kabuhayan at lalo mo pang sipagan ang mga gawaing pinagkakaperahan. Bukas ang bintana ng langit para sa iyo, basta maging busy ka lang, bubuhos ang mas maraming suwerte at mga biyayang pangmateryal ngayong taong ito ng 2020. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Blue at red ang buenas. Swerte ang initial na P. at M.
Aquarius – (January 20 – February 18)-Huwag kang magmukmok sa iyong silid. Lumabas ka ng bahay dahil sa taohng ito ng 2020, nasa labas ng bahay ang suwerte at magandang kapalaran iyong hinihintay. Sa ganyang paraan, higit na mas magiging produktibo at maligaya ang buhay sa buong taong ito ng 2020. Markahan ang 4, 15, 24, 34, 43, at 46. Green at white ang buenas. Swerte ang initial na N. at S.
Pisces – (February 19 – March 20) – Tama ang ginagawa mong pagsisikap para sa pamilya. Pinapanood ka ng langit. Kaya nga sa taong ito ng 2020 ilalawit sa iyo ang kamay ng awa na punong-puno ng mga biyaya at pagpapala, hindi lang para sa iyo kundi sa lahat ng miyembro ng inyong pamilya. Markahan ang 5, 7, 23, 32, 39 at 45. Green at black ang buenas. Swerte ang initial na S. at D.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending