Joshua, Julia nagkailangan sa presscon ng ‘Block Z’
Kakaiba ang ginanap na media launch ng pambungad na pelikula ng Star Cinema for 2020, ang “Block Z” na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Julia Barretto, Dimples Romana, Ina Raymundo, Mariz Racal, McCoy de Leon, Yves Flores at Ian Veneracion.
Maituturing na reunion project nina Ian, Maris, McCoy, Joshua at Julia ang “Block Z”. Nakasama ni Ina ang JoshLia loveteam sa apat na pelikula, dati ring itinambal si Maris kay McCoy at si Ian naman ay ilang beses naging tatay ni Julia sa mga teleserye ng ABS-CBN.
Kapansin-pansin naman ang pagiging “uneasy” or “strange” sa isa’t isa nina Julia at Joshua during the mediia launch. Can’t blame them dahil matagal na rin siguro since the last day na nag-shoot sila ng “Block Z” or last project they’ve been together nu’ng 2019.
Baka medyo naiilang o naninibago lang sila sa isa’t isa. Bukod doon, ang dami-dami rin kasing malalaking isyu ang nangyari sa kanila.
Kunsabagay, hindi naman nila kailangang magpa-tweetums in front of the media sa grand presscon ng “Block Z” directed by Mikhail Red. Hindi naman kasi romcom ang pelikula.
Ang kwento ng “Block Z” ay tungkol sa pre-med students who witnessed the death of a patient that exhibited symptoms of rabies.
Sa presscon ay tinanong sina Joshua at Julia kung kumusta na sila. Balintulot at medyo natitigilan pa si Joshua sa pagsagot.
“Okey naman kami. Okey kami. And…actually, nu’ng nakita ko siya, eto personally, ano ako, parang na-miss ko rin siya, di ba? Kasi, siyempre ang tagal naming hindi nagkasama. Na-busy siya, na-busy ako. Ayun,” lahad ni Joshua.
Say naman ni Julia, “We’re okay. That’s one of the things…na super grateful ako kasi we’re able to maintain the friendship. And tama si…tama siya. When I first saw him, it felt familiar. Kumbaga, parang, it’s…it’s uh…it’s…familiar place. It’s a comfortable place. Safe place.”
Ipalalabas na ang “Block Z” sa Jan. 29.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.