PINOY CELEBS NAG-ALAY NG DASAL SA PAGPUTOK NG BULKANG TAAL; ILANG ARTISTA APEKTADO RIN | Bandera

PINOY CELEBS NAG-ALAY NG DASAL SA PAGPUTOK NG BULKANG TAAL; ILANG ARTISTA APEKTADO RIN

Jun Nardo - January 14, 2020 - 12:15 AM

ALDEN RICHARDS AT DINGDONG DANTES

GINULAT ng Taal Volcano ang buong bansa nang bigla na lang itong sumabog last Sunday.

Maraming lugar sa Batangas, Laguna at Cavite ang nakadama ng bagsik nito. Bukod sa malawakang ashfall, sunud-sunod ang naganap na lindol sa paligid ng nag-aalburotong bulkan.

Sa tindi ng galit ng Taal at sa pagbuga nito ng putik at bato, umabot na rin sa Metro Manila at kalapit probinsiya na Bulacan at Tarlac ang ashfall na dulot ng pagsabog.

Agad naming tinext ang manager ni Alden Richards na si Daryl para kumustahin ang Pambansang Bae. Taga-Sta Rosa, Laguna kasi si Aden at located naman sa Silang, Cavite ang kanyang Concha’s restaurant.

Wala pang balita kay Alden ayon sa manager niya. Wala ring ipino-post na updates ang aktor sa kanyang social media accounts.

Ang ilan pang celebrities na nakatira sa Laguna ay sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino. May mga showbiz events na nakansela rin dahil sa Taal eruption.

Ilan naman sa mga nanawagan sa publiko para magdasal habang pumuputok ang Taal ay sina Ai Ai delas Alas, Dingdong Dantes at Ogie Alcasid.

Nag-share rin ng maikling dasal si Anne Curtis para sa mga apektado ng Taal volcano eruption, “Praying the taal volcano eruption doesn’t cause too much damage and all locals are safe from harm.”

Wala pang reply sa amin si Mother Lily Monteverde ng Regal Films nang kumustahin namin ang lagay ng kanyang Taal Imperial Resort.

Na-stranded naman si Rufa Mae Quinto sa Hong Kong pabalik ng Manila matapos ma-cancel ang flight nila.

“Kami naman dito sa Hong Kong airport, stranded … na-cancel ang flight naming mag-ina at family. Ang tagal namin sa airport nag-wait and also, kagulo. Hindi sure when uuwi, I was not feeling well and was hungry,” mensahe ng komedyana.

Aniya pa, “Basta, I prayed for Taal Volcano eruption [na] sana walang masaktan. Kaya ako simple na lang, ang importante safe kaming family, kahit anong pagdaanan…Lord God, please save the Philippines.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy nating ipagdasal ang mga kababayan nating apektado sa pag-aalburoto ng Taal Volcano at nawa’y hindi na tumindi pa ang pagsabog nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending