Top sports achievers ng 2019 pararangalan sa PSA Awards Night | Bandera

Top sports achievers ng 2019 pararangalan sa PSA Awards Night

- January 13, 2020 - 08:02 PM

PARARANGALAN ang mga top sports achievers ng taong 2019 sa gaganaping SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night ngayong darating na Marso sa Manila Hotel.

Tampok sa taunang event na hatid ng Milo, Cignal TV at Philippine Sports Commission (PSC) ang paggawad ng Athlete of the Year award ng pinakamatandang media organization na pinamumunuan ng pangulo nito at sports editor ng Manila Bulletin na si Tito S. Talao.

Sa taong 2019 ay ipinamalas ng mga atletang Pinoy ang kahusayan hindi lang sa mga regional tournaments kundi pati na rin sa mga world championships.

Kabilang na rito ang Team Philippines na nakuha ang overall championship sa 30th Southeast Asian Games, si Carlos Yulo na naging unang Pinoy at gymnast mula sa Southeast Asia na nagwagi ng makasaysayang gintong medalya sa 49th Artistic Gymnastics World Championships sa Stuttgart, Germany.

Nanalo naman si Nesthy Petecio ng kanyang unang ginto matapos magdomina sa featherweight division ng AIBA Women’s World Boxing Championships sa Ulan-Ude, Russia habang ang pole vaulter na si Ernest John Obiena ang naging unang Pinoy na nag-qualify sa 2020 Tokyo Olympic Games matapos malagpasan ang Olympic qualifying standard sa men’s pole vault sa isang torneo na ginanap sa Chiara, Italy.

Kaya naman ang nabanggit na mga bayani sa sports ay inaasahang mangunguna sa mga iba’t ibang personalidad at organisasyon na kikilalanin sa isang espesyal na gabi ng sportswriting fraternity ng bansa.

Maliban sa Athlete of the Year award, magkakaloob din ng President’s Award, National Sports Association (NSA) of the Year award, Executive of the Year, Ms. Basketball, Mr. Volleyball, Ms. Golf, Mr. Football at Coach of the Year.

Tulad din sa mga nakalipas na awards night, magkakaroon din ng Major Awards, Lifetime Achievement Award, Tony Siddayao Awards, MILO Junior Athletes Award at mga citations na pangungunahan ng mga SEA Games gold medal winners.

Bibigyan naman ng posthumous recognition ang mga sports personalities na pumanaw nitong nakalipas na taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending