30 water tanker ng Manila Water ipinadala sa mga 'bakwit' ng Taal | Bandera

30 water tanker ng Manila Water ipinadala sa mga ‘bakwit’ ng Taal

- January 13, 2020 - 12:24 PM

NAGDISPATSA ang Manila Water ng 3o water tankers sa mga evacuees na apektado ng pag-aalburuto ng Taal volcano.

Sa pamamagitan ng pagsisikap ng subsidiary nitong Laguna Water, ang unang mga tankers ay ipapadala sa tatlong bayan sa lalawigan ng Batangas.

Apat na tanker ang idineploy sa Tanauan City: Poblacion Balele West Covered Court, Poblacion Gloria at sa Tanauan City Gym 2; dalawa naman ang ipapadala sa PUP Gymnasium sa Sto. Tomas habang anim naman ang hihimpil sa Bolbok Provincial Sports Complex sa Batangas City. Nakatanggap na rin ang Laguna Water ng karagdagang hiling para sa water tanker para sa San Luis Municipal Hall at Taal Municipal Hall, gayundin para sa bayan ng Alfonso sa Cavite.

Ang natitirang mga water tanker ay naka-standby para sa mga iba pang local government unit na hihiling ng ayuda sa tubig para sa kani-kanilang evacuation sites.

Ang mga water tankers na gagamitin ay pupunuang muli ng Laguna Water hangga’t kinakailangan. Susuporta rin ang mga kawani ng Laguna Water sa tankering activities na ito.

Samantala, ang Manila Water Foundation (MWF) ay magpapadala rin ng 2,000 ng 5-gallon na lalagyan ng maiinom na tubig para sa mga evacuation sites, sa pakikipagtulungan sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending