Klase at pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa NCR, Calabarzon at Region 3 suspendido na
SINUSPINDE ngayong araw ng Palasyo ang pasok sa lahat ng antas at maging ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila, Calabarzon at Region 3 dahil sa nararanasang ashfall dulot ng pagputok ng Bulkang Taal.
“As recommended by the NDRRMC and to ensure safety, the Executive Secretary, by Authority of the President, has directed the suspension of classes in all levels and work in government in the affected areas of Calabarzon, NCR and Region 3, except frontline response agencies involved in disaster response, delivery of basic and health service, and/or other vital services,” sabi ng abiso ng Office of the Executive Secretary.
Samantala, nanawagan din ang Palasyo sa mga pribadong sektor na magkansela na rin ng pasok ngayong araw.
“The private sector is highly encouraged to suspend work for the safety of their employees,” dagdag ng Malacanang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.