Yeng Constantino kinasuhan ng cyberlibel | Bandera

Yeng Constantino kinasuhan ng cyberlibel

Bandera |January 10,2020
facebook
share this

Yeng Constantino kinasuhan ng cyberlibel

Bandera - January 10, 2020 - 05:54 PM

YENG CONSTANTINO

KINASUHAN ng cyberlibel ang singer na si Yeng Constantino dahil sa pag-post nito ng mga paratang na hindi inasikaso mabuti ang kanyang asawa noong sila ay magbakasyon sa Siargao.

Nitong Friday, inupload ng isang Chrismar Lumasag Mocorro ang warrant of arrest laban kay Yeng Constantino. Ayon sa post, ito ay i-shinare ng may pahintulot ni Dr. Esterlina Tan, at nanghihingi siya ng tulong dahil dated December 12, 2019 pa ang warrant at wala pa ring aksyon na ginagawa.

Ayon sa isang parte ng warrant, ay binigyan na ng kopya ang Chief of Police ng Quezon City Police Station.

 

Sinusubukan namang kuhaan ng BANDERA ng pahayag si Yeng ukol sa isyu.

Naaksidente ang asawa nitong si Yan Asuncion 20 19at nagkaroon ng temporary memory loss habang nag-cli-cliff diving.

Nag-rant ng si Yeng Constantino sa kanyang Youtube vlog kung saan nilabas pa nya ang ilang kuha ng doctor at medical staff na nag-asikaso sa kanyang asawa.

Humingi ng tawad si Yeng at binura na nag naturang vlog post.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending