ni Dona Policar, News Editor
UNFAIR umano ang sinabi ni presidential candidate Jamby Madrigal na pinagsisisihan nito ang pagkuha sa artista para iendorso ang kanyang kandidatura noong 2004.
Ito ang sinabi kahapon ni Judy Ann Santos, ang artistang tumulong ipanalo ang kandidatura ni Madrigal nang tumakbo ito sa pagkasenador.
“Para sa akin nakakalungkot. It’s unfair para sa akin na sabihin niya yung ganun. Pero that’s her opinion. Hindi ako makikipag-away sa kanya. Edukada akong tao,” pahayag ni Santos sa isang text message sa Bandera.
Gayunman, iginiit ni Santos na hindi niya pinagsisisihan ang pagtulong sa senadora.
“Basta ako walang regrets na tinulungan siya noon kasi naniniwala ako sa kanya. It’s just sad na siya pala yung nagsisisi sa pagtulong ko sa kanya,” dagdag pa ng aktres.
* * *
At dahil nga nakarating na rin sa kampo ng senador na nagdamdam ang aktres dahil sa kanyang sinabi kamakailan sa isinigawang presidential debate sa Unibersidad ng Pilipinas at inisponsor ng Inquirer (sister publication ng Bandera), handa naman daw siyang humingi ng tawad.
“Sana magka-unawaan na kami. And wherever she is, I will talk to her…Wala namang di ma-resolve sa magandang usapan kung ang puso ng isang tao ay sincere. Alam naman niya na sincere ako…Never kong sisiraan si Juday,” pahayag ni Madrigal sa isinagawang forum sa Pamantasan ng Lungsod ng Pilipinas.
Bukod dito hindi anya niya makakalimutan ang tulong na ibinigay sa kanya ng aktres, at lagi umano niya itong ipagpapasalamat sa kanya.
“When I announced my presidential bid ( noong Hulyo 31), she was one of the people I thanked,” dagdag pa ng senador.
Pinasasalamatan din anya niya ang pamilya ni Santos at ang yumaong aktor na si Fernando Poe Jr. at byuda nitong si Susan Roces.
BANDERA, 021610
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.