MayWard tagumpay sa mga pagsubok ng 2019: Masakit pero kailangan…
TULAD ng ilang kapwa nila celebrities, dumaan din sa mga pagsubok ang magka-loveteam na sina Maymay Entrata at Edward Barber nitong nagdaang 2019.
Maraming challenges na hinarap ang MayWard nitong nagdaang taon pero very proud nilang nasasabi na napagtagumpayan nila ang mga ito.
Sa kabuuan, naging maganda ang 2019 para sa dalawang Kapamilya youngstars dahil na rin sa dami ng blessings na dumating sa kanilang buhay at career.
“Maraming challenges this 2019. Maraming bagay na akala ko hindi ko kakayanin. There were a lot of things that changed me as a person. ‘Yung attitude ko, ‘yung mentality ko, nagbago dahil sa mga pagsubok,” ang pahayag ni Edward sa isang interview.
Dagdag pa ng binata, “Dahil tapos na, masarap sa pakiramdam. I learned lessons the hard way, the easy way. I’m not saying I know everything, but I’m saying I’ve learned so much this 2019.”
Para naman kay Maymay, isa sa biggest lesson na natutunan niya sa nagdaang taon ay ang pagiging positibo sa lahat ng bagay at ang pagpapasalamat sa bawat blessing na dumarating kahit na gaano pa ito kaliit o kalaki.
“Magpasalamat palagi. Matutong mag-enjoy sa kabila ng pagiging busy sa trabaho, o stress, o sunod-sunod na kaganapan na hindi ko naha-handle dati. Napakaimportante ‘yung mag-enjoy ka sa ginagawa mo. Nakakagaan ng pakiramdam,” pahayag ng dalaga.
Ano naman ang maipapayo niya sa mga taong nalulungkot o nakakaisip ng negatibo dahil sa mga problemang hinaharap, “Maghanap ka ng time na mag-isa ka. Kausapin mo si God, mag-pray ka. I-enjoy mo na kasama ang sarili mo.”
Hirit pa ng dalaga, “Makinig ka sa mga sinasabi ng mga tamang tao na nasa paligid mo, kasi sila ‘yung magre-remind sa ‘yo kung magbabago ka na ba o hindi.”
Singit naman ni Edward, “Kailangan ‘yung honest. Kailangan ‘yung honest to the point na masakit. Sa akin, si Maymay talaga ang biggest critic ko, other than myself. Masakit pero kailangan. Some people will hurt you for fun, for their own purposes, but some people will hurt you because you need it.”
Ang tanong, sinusunod ba ni Edward ang mga payo ni Maymay, “Nakikinig siya at natututo.”
Sey naman ni Maymay patungkol kay Edward, “Minsan isip bata pa ako. Ako din nakikinig sa kanya. Marami akong natutunan sa kanya.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.