Maine, Arjo kumasa sa ‘Tala’ dance challenge, TikTok video viral na
PINUSUAN at ni-like ng libu-libong netizens ang viral video ng magdyowang sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.
Kumasa ang Dubsmash Queen sa “Tala” dance challenge at isinama pa ang kanyang boyfriend na si Arjo.
Sa pamamagitan ng video-sharing platform na Tiktok, ini-record ni Maine ang pagsasayaw nila ni Arjo ng sikat na sikat ngayong kanta ni Sarah Geronimo na “Tala”.
Ipinost naman ng Eat Bulaga host ang video sa kanyang Twitter account. May caption itong, “The things I do for you.’ – Arsho (silly face emoji) #popster.”
In fairness, ilang sandali lang ang lumipas ay nag-viral at trending na agad ang video nina Maine at Arjo. Sandamakmak din ang comments ng kanilang fans and followers.
Pinuri nila si Arjo dahil game na game nitong sinakyan ang trip ng kanyang girlfriend. Wala raw itong pakialam sa sasabihin ng ibang tao basta mapaligaya lang niya si Maine.
Marami nang kumasang celebrities sa “Tala” dance challenge, kabilang na riyan ang mga Kapamilya stars na sina Loisa Andalio, Maris Racal, Ella Cruz at Sue Ramirez. Sikat na sikat na rin ngayon ang isang pulis dahil sa nasabing dance craze.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.