Coleen kinampihan si Billy sa pagpatol sa basher: Hindi naman kasi totoo! | Bandera

Coleen kinampihan si Billy sa pagpatol sa basher: Hindi naman kasi totoo!

Ervin Santiago - January 05, 2020 - 12:35 AM

EDGAR ALLAN GUZMAN AT COLEEN GARCIA

BINASAG ni Coleen Garcia ang panglalait sa kanya ng isang netizen na nagsabing mukha siyang hindi masaya sa piling ng asawang si Billy Crawford.

Ginawa ring issue ng ilang bashers ang 10 taong agwat ng edad ng mag-asawa – 27 si Coleen ngayon habang 37 naman si Billy.

Sa nakaraang presscon ng bagong romcom movie ni Coleen, ang “Mia” kung saan makakatambal niya ang Kapuso award-winning actor na si Edgar Allan Guzman, ipinagdiinan ng aktres na super happy siya sa kanyang married life.

Comment kasi ng isang netizen sa Instagram photo ng mag-asawa mukhang malungkot ang aura ni Coleen kaya baka raw hindi ito masaya sa pagsasama nila ni Billy.

Pero paliwanag ng aktres, baka nami-misinterpret lang ng ibang tao ang pagiging tahimik niya ngayon sa social media hindi tulad noon na napaka-active niyang mag-post ng mga ganap sa buhay niya.

“I really don’t know. Maybe because they don’t see me often anymore. Ang hirap din yung hindi nag-a-update.

“I don’t know, I just feel, like, I really needed this time of silence for myself, and I really needed to take a step back and reassess everything in my life,” paliwanag ng misis ni Billy.

Hirit pa niya, “Pero that doesn’t mean I’m not happy. Actually, I really feel that I’m at my happiest right now.”

Kinampihan din niya ang asawa sa ginawa nitong pagpatol sa basher, “Kasi hindi naman talaga totoo.

“And we don’t want people to believe that naman, to people to go on talking like they believe it kung hindi naman talaga totoo.

“I mean, if it’s just really easy to dispel a rumor just like that, then…si Billy kasi, mapatol, e. Tama din lang naman i-answer para malaman din kung totoo o hindi,” dagdag pa ng leading lady ni Edgar Allan sa “Mia”.

Samantala, natanong naman si EA sa presscon ng “Mia” kung kinausap ba niya si Billy bago sila magsimulang mag-shooting.

“Siguro wala naman akong dapat ipaalam kay Billy pero bilang kaibigan ko siya, siyempre may respeto ako, idol ko kasi si Billy eh.

“Every project na may katrabaho akong babae, kung sino man ‘yung boyfriend o asawa nagsasabi talaga ako na trabaho lang ito. It’s a matter of respect laipapakita ko sa kaniya na hindi siya dapat mag-isip kasi harmless naman ako at si Billy hindi naman siya immature para hindi makaintindi na it’s for work.

“Nasabi lang siguro nila na na-conscious ako kasi kapag nandiyan si Billy, nasa gilid lang ako, time din nila ‘yun para sa kanilang dalawa,” ani EA.

Naikuwento rin ng Kapuso star na ang pinaka-challenging at pinakamahirap na ginawa niya sa “Mia” ay ang eksena kung saan first time siyang nag-motor at angkas pa si Coleen with matching kilometric dialogues, “Na bukod sa straight English may mga scientific terms pa. Grabe yun! As in!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “Mia” sa mga sinehan sa Jan. 15, sa direksyon ni Veronica Velasco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending