Ella Cruz biglang lumaki ang tiyan, buntis nga ba?
Buntis nga ba ang young actress na si Ella Cruz? Yan ang tanong nga netizens matapos kumalat ang isa niyang video sa social media.
Sa nasabing video kasi makikita si Ella na sumasayaw with Red Velvet’s hit song “Psycho” suot ang kanyang crop top. Dito kapansin-pansin ang medyo maumbok niyang tiyan kaya ang feeling ng madlang pipol ay pregnant siya.
Pero agad naman itong sinagot ng dalaga at sinabing hindi siya buntis at busog lang siya kaya medyo lumaki ang kanyang tummy.
Sa kanyang Instagram stories nag-post din siya ng mensahe para patunayang hindi siya nagdadalang-tao. Aniya, “People in my comment box be like super judgmental. Di ba kayo kumain nung Pasko at bagong taon? (laughing emoji).”
Bukod dito, nag-post din siya ng video clip kung saan nagsasayaw ang kanyang tatay na si Thristan habang tumutugotog ang K-pop song na “Psycho” na may caption na, “Ginalit niyo papa ko. Eto daw ang buntis. #psycho #psychokayo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.