John Lloyd tuloy na ang pagbabalik-showbiz ngayong 2020? | Bandera

John Lloyd tuloy na ang pagbabalik-showbiz ngayong 2020?

Bandera - January 04, 2020 - 12:05 AM

EARL IGNACIO, CHICKOY PURA AT JOHN LLOYD CRUZ

MULING na-excite ang madlang pipol nang mapabalitang posibleng ngayong 2020 ay magbabalik-showbiz na si John Lloyd Cruz.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang litrato ni Lloydie kasama ang character actor na si Ear Ignacio at ang member ng The Jerks na si Chickoy Pura.

Magkakasama ang tatlo sa nasabing photo na ipinost mismo ni Chickoy sa kanyang social media account. Nagpasalamat ang singer sa chance na makatrabaho sa isang project ang award-winning director na si Lav Diaz.

“Jan. 1, 2020. What a great way to start the year. To work again with the great director and friend Lavrente Diaz… Maraming, maraming salamat sa pagkakataon. Humbled and honored,” caption ni Chickoy sa kanyang Facebook post. Wala naman siyang binanggit kung ano ang magiging partisipasyon ni John Lloyd sa nasabing proyekto.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa ring official statement si Lloydie at kung totoong ito na ang magiging hudyat ng kanyang pagbabalik sa pag-arte. Kung matatandaan, 2017 nang magdesisyon ang award-winning Kapamilya aktor na iwan muna ang showbiz matapos makipag-live kay Ellen Adarna.

Taong 2018 naman bumandera ang balita na ipinanganak ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd. Pero ilang buwan lang ang nakalipas ay kumalat naman ang balitang naghiwalay na ang dalawa.

Samantala, makalipas ang halos tatlong taon, muling nag-post si Ellen sa kanyang Instagram account na ikinagulat ng kanyang IG followers.

Isang maikling video kung saan makikita siyang nag-i-skiing sa Switzerland ang ibinahagi niya sa IG na may caption na, “As per my instructor @smartinrs ‘keep going’ should be my mantra this year! #hello2020.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending