GOOD afternoon po ateng Beth. Just call me Ana. May asawa na po ako. At we are living together mga four or five years na po.
Sa kabila po nitong pagsasama namin ay kung bakit until now ay hindi ko pa rin po makalimutan ang ex ko. Naging four years din kaming nagsama.
Ako po ang umiwan sa kanya kasi gusto ko po siyang maging masaya sa kanyang buhay. Hindi po kasi ako pwedeng magkaanak.
Ayaw ko rin pong magpakasal sa kinakasama ko ngayon kasi naaawa ako sa kanya pagdating ng panahon. Baka mahanap niya ang babaeng makakapagbigay sa kanya ng anak.
What should I do? Help me p,o Ateng Beth. Thanks po ng marami.
Ana
Dear Ana,
Siguro panahon na para mag-move on ka na lalo na ngayon na bagong taon na. Dapat bago na ang ating perspective sa buhay, especially mahaba-haba na rin ang four to five years nang pagsasama ninyo ng iyong partner.
Huwag mo na rin pag-aksayahang isipin ang ex mo at panigurong masaya na rin ang ex mo ngayon. Ang pag-isipan mo ngayon ay this is the right time for you to be happy.
I am sure hindi naman sa pagkakaroon o kawalan ng anak nakasalalay ang buhay ng isang tao; ang buhay ng partner mo at ng ex mo, at ng buhay mo na rin. Patuloy mong mapapasaya si ex kung hindi mo na siya aabalahin pa.
Kung hindi ka naman niyayaya ng kinakasama mo ngayon na magpakasal, e, di huwag kayong magpakasal. Hintay-hintayin mo na nga lang na makahanap siya ng babae na magpapasaya sa kanya, hindi dahil mabibigyan siya ng anak, kundi ‘yung babaeng marunong sumaya kung ano ang meron siya.
Ngayon ang tanong, gusto mo ba ‘yun, ang makahanap siya ng babaeng tunay na magpapasaya sa kanya? Hindi mo ba kayang ibigay ‘yun sa kanya?
Pero kung hindi mo iyon kaya, aba’y wala ka nang dapat pang gawin. Tutal lahat ng kasiyahang nalalaman mo ay nakasalalay lang sa pagkakaroon ng anak. E, hindi ka na nga magkakaanak, hindi ka pa marunong sumaya at magpasaya.
So, hanggang hindi ka marunong makuntento at sumaya sa kung anong meron ka ngayon, laging miserable ang magiging tingin mo sa sarili mo dahil sa mga bagay na wala ka.
Subukan mong tanggapin kung anong wala ka, at baka sakaling doon ka maging masaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.