6Cyclemind vocalist nag-sorry sa animal lovers dahil sa ‘airgun joke’
Matapos ma-bash nang bonggang-bongga, humingi ng sorry ang vocalist ng bandang 6Cyclemind na si Tutti Caringal sa mga animal lovers at animal rights advocates.
Nag-ugat ang galit ng mga netizens kay Tutti matapos mag-post ng comment tungkol sa paggamit niya umano ng airgun para mawala ang mga pusang-gala sa kanilang lugar.
Ayon pa sa Cabuyao City, Laguna councilor hindi nga maganda ang naging joke niyang, “I bought an airgun just for that” sa isang thread na matatagpuan sa Facebook group na “Best of the Best.”
Naalarma na ang OPM singer dahil sa dami ng nang-aaway at nagbabanta sa kanya. Kaya naman bago pa lumala ang issue, nagdesisyon na siyang magbigay ng official statement.
Narito ang kabuuan ng post ng singer tungkol sa nasabing issue, “Hi guys. Looks like the cat issue is getting out of hand and I’m sure all of you would like to hear my side. I will give you 2 explanations. A long detailed one and a short and simple one.
“Here’s the long one: May isang facebook group ang pangalan Best of the Best. Ang posts dun ay ‘Where is the best place to eat steak? What is the best way to fix my car?’ etc. So may nag post
‘What is the best humane way to get rid of stray cats living in your backyard?’ Mga pusang gala kumbaga.
“Nagcomment ako. Sabi ko ‘I BOUGHT AN AIRGUN JUST FOR THAT’. Wala akong binanggit na namamaril ako ng pusa mismo. In fact, I even explained na lupa binabaril ko or yung basurahan para magulat yung cat. That’s basically it. Diko na pinahaba, i deleted the post nalang.
“Here’s the short and direct to the point explanation: I DID NOT NOR HAVE I EVER NOR DO I INTEND TO SHOOT OR HURT ANY CAT OR ANIMAL. Though crass and distasteful, they were meant to be JOKES. Those who know me would know and understand my humor.
“That being said, I apologize for being offensive, especially to our four-legged friends. Thank you and Happy New Year to all. Rakenrol!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.