Hugot ni Angelica sa 2020: Mabuhay ang patuloy na lumalaban at hindi sumusuko sa pag-ibig | Bandera

Hugot ni Angelica sa 2020: Mabuhay ang patuloy na lumalaban at hindi sumusuko sa pag-ibig

Ervin Santiago - January 01, 2020 - 02:56 PM

ANGELICA PANGANIBAN

SA pagpasok ng ng 2020 binalikan ng tinaguriang Hugot Queen na si Angelica Panganiban ang matitinding pagsubok na pinagdaanan niya sa nakalipas na 10 taon.

Na-post ang Kapamilya actress ng kanyang litrato sa Instagram na kuha nang mabakasyon siya recently sa South Korea. Nilagyan niya ito ng mahabang mensahe kabilang na ang pagbabalik-tanaw niya noong malaman ang tunay niyang pagkatao at makilala ang kanyang biological family.

Narito ang mahabang caption ng aktres sa kanyang IG post: “Sa loob ng sampung taon, literal na roller coaster ride. Nalaman kong adopted ako, nagtago ako ng ilang buwan sa pamilya ko. Dahil hindi ko alam paano sila haharapin. Nahihiya ako sa kanila. Nakilala ko ang mga kadugo ko. Para lang siguro malagyan mo ng mukha yung mga taong nasa imahinasyon mo lang.

“Iniwan din kami ni mommy mila pagkatapos ng ilang taon. Kasabay ng taon na yun, nagkaroon ng cancer si mama. And we survived. Hindi nag tagal, si papa naman ang namahinga,” aniya pa.

“May mga araw na hindi ko alam kung kakayanin ko pa bumangon. Nang literal. Ayoko nang tumayo. Ayoko na tumawa. Ayoko na. Pero ginawa akong matibay ng panahon at panginoon.

“Sa kabila ng lahat ng nawala, nakasakit at nasaktan ko, hindi ka dapat dun mag tapos. Hindi ka dapat tapusin ng sakit. Kasi ang sakit ang magpapatibay sayo. Yun pala ang kailangan mo para makabangon,” dagdag pa ni Angelica.

Pagpapatuloy pa ng award-winning actress, “Sa kabila ng lahat, takot pa rin ako magtiwala. Parte na siguro yun ng napag daanan. Sa kabila ng lahat hindi ako sumuko mag dasal. Dahil mas marami akong dapat ipagpasalamat.

“Naniniwala akong pinilit tanggalin ni Lord ang mga taong hindi mo na kailangan sa buhay mo. Dahil hinahanda ka niya sa mga tao na nararapat sa ano ka at kaya mong ibigay.

“Sa sampung taon natuto akong magpatawad. Natuto akong ipagdasal pa rin sila. Magdasal na hindi mawala sa akin ang aspeto na yun. At natuto akong bigyan ng atensyon ang sarili ko at ang mga tunay na nagmamahal sakin.”

Pagpapatuloy pa niya, “Naniniwala akong mas magiging mainam ang mga darating na taon. Ika nga nila, kapag lugmok ka na, wala ka ng ibang pupuntahan kundi pataaas.”

“Mabuhay ang mga taong patuloy na lumalaban, nagdadasal at hindi sumusuko sa pag-ibig. The best is yet to come.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Salamat sa mga kaibigan at mga mahal sa buhay na patuloy akong pinipiling makasama sa buhay nila. Hindi ko kayo bibiguin. Cheers to 2020.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending