Chariz Solomon nakipag-away sa mall, babaeng nanakit sa anak tinalakan | Bandera

Chariz Solomon nakipag-away sa mall, babaeng nanakit sa anak tinalakan

Ervin Santiago - January 01, 2020 - 12:08 PM

TINALAKAN at inaway ni Chariz Solomon nang bonggang-bongga ang matandang babaeng nanigaw at nanakit sa kanyang anak.

Kitang-kita ng Kapuso comedienne kung paano nito pinagalitan at sinaktan ang 4-year-old niyang anak na lalaki habang nasa indoor playground sa isang malaking mall sa Mandaluyong City.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ikinuwento ni Chariz kung ano ang nangyari at kung bakit talagang nanggaliti siya sa galit.

“Soooo may humabol pa akong away bago matapos ang 2019 ko,” panimula ng komedyana.

Pagpapatuloy niya, “1st time ko napaaway dahil sa mga anak ko.

“Nagre-register ako sa Kidzoona Shangri-La and my boys were behind me playing with each other, when I hear an old lady sharply shouting in Chinese.

“I turned around and sakto, I saw her hit my son’s leg. At sinisigawan n’ya ng bonggang- bongga ang mga anak ko dahil tinapakan daw ang daliri ng apo n’ya na I think less than 2-years-old na pinabayaan n’yang maglaro sa sahig,” kuwento pa ni Chariz.

Nang sumagut-sagot pa raw ang babaeng kaawat, “S’yempre nag-histerical ako. Sumisigaw-sigaw s’ya in Chinese at WALA AKONG PAKIALAM, nagsama pa sila ng nanay nu’ng bata. GOOOOOO.

“I told them they don’t have the right to hit my son, and shout at them because it was an accident.

“Ayaw pa tumigil. Sabi ko, o di sige tatawag ako ng pulis. Padampot ko sila, sinaktan nila anak ko. Paulit- ulit lang ‘yung sinabi ko.

“Naramdaman ko nagdidilim na ‘yung paningin ko. Hindi na makatingin sa’kin si lola at ‘yung nanay,” lahad pa ni Chariz.

Alam daw niya na hindi sinasadya ng mga anak ang pagkakatapak daliri ng apo ng pinaniniwalaang Chinese na babae.

“Una sa lahat: AKSIDENTE YUN. Bata sila. HINDI SINADYA.

“Pangalawa: Kahit matanda ka, hindi ako nagsisisi na nakatikim ka sa’kin ng bonggang -bonggang talak dahil wala kang karapatang sigaw-sigawan at paluin ang anak ko.

“Kung salbahe ang anak ko, ako pa magpaparusa sa kanya sa harap mo. PROMISE YAN.

“Pangatlo: Hindi mo dapat pinababayaan ‘yung apo mo na less than 2-years-old na gumagapang sa receiving area ng Kidzoona.

“Sa loob ang palaruan, Hindi sa labas. So kasalanan mo na natapakan ‘yung daliri n’ya and I feel sorry for the baby girl dahil pabaya ‘yung nagbabantay.

“Pang-apat: HUWAG AKO HUY! HUWAAAAAAGGGG DIYOS KO NAGBAGO NA AKO, AT BUTI NA LANG, SALAMAT PANGINOON!

“At dahil nakita ko na papasok pa lang ‘tong pamilya na ‘to, lumipat na lang kami ng playground kasi baka maging action series pa itong story namin. WOOOOOOOOOHHHHHH!!!!” pagtatapos ng Kapuso TV host-actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Halos lahat ng mga nag-comment sa post ni Chariz ay pumanig at kumampi sa kanya, kabilang na ang mga kapwa niya artista. Tama lang daw ang ginawa niya para maturuan ng leksiyon ang nasabing babaeng Intsik.

May mga nag-suggest pa nga na sampahan niya ito ng pormal na kaso dahil menor de edad ang kanyang anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending