True ba, top-grosser na sa 2019 MMFF ang 'Miracle' ni Aga? | Bandera

True ba, top-grosser na sa 2019 MMFF ang ‘Miracle’ ni Aga?

Ervin Santiago - December 30, 2019 - 12:25 AM

TOTOO nga kaya ang lumabas na balita sa social media na nalagpasan na ng “Miracle In Cell No. 7” ang kita ng “The Mall, The Merrier” makalipas ang apat na araw ng ginaganap na 2019 Metro Manila Film Festival.

Bagamat wala pang inilalabas na official ranking ang organizers ng taunang filmfest sa walong naglalabang entries, may mga kumakalat ng unofficial result sa iba’t ibang social media platforms.

Sa ilang sinehan sa Metro Manila, balitang nangunguna pa rin sa takilya ang “The Mall, The Merrier” nina Vice Ganda at Anne Curtis at nasa second spot ang “Miracle in Cell No. 7” ni Aga Muhlach.

Ikatlo naman ang “3Pol Trobol, Huli Ka Balbon” ni Coco Martin na sinundan ng “Mission Unstapabol: The Don Identity” ni Vic Sotto.

Pero may ulat naman na sinasabing galing mismo sa ilang cinema insiders na nasa number one spot na ang pelikula ni Aga at nalaglag sa ikalawang pwesto ang entry ni Vice base sa nationwide gross ng lahat ng walong kalahok.

Kung totoo nga ang nasabing resulta, ito ang unang pagkakataon sa loob ng pitong taon na magiging second lang sa labanan si Vice at kung reliable nga ang source ng nasabing report, si Aga lang ang nakaputol sa pagiging Unkabogable ng TV host-comedian sa MMFF.

But of course, wala pa ngang official statement ang MMFF organizers hinggil sa ranking ng walong entries at yun ang hintayin natin pero kayo pa rin ang magdedesisyon kung paniniwalaan n’yo ito o hindi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending