Hello and goodbye: Sila na nagsilang at sila na pumanaw
SA nakalipas na mga buwan ng 2019, sunod-sunod ang pagkamatay ng mga kilalang personalidad sa bansa. Ipinagluksa ng marami ang kanilang kamatayan. Narito ang ilan sa mga kilalang tao na pumanaw ngayong taon:
1. Henry Tan Sy
Pumanaw ang Chinese-Filipino business magnate at philanthropist na si Henry Sy, Sr. noong Enero 19, 2019 sa edad na 94. Kilala si Sy sa retail industry sa bansa at siyang nagtayo ng SM chain. From humble beginnings ang kwento ng buhay ng Sy, hanggang siya ang tanghalin na pinakamayan sa bansa. Kabilang din si Sy sa listhan ng Forbes magazine ng mga pinakamayayaman sa buong mundo.
2. Pepe Smith
Hindi lang icon ng mga may edad na kundi ng mga bagets na mahilig sa rock ang Pinoy rock icon na si Pepe Smith. Pumanaw si Smith noong Enero 28 sa edad na 71.
3. Bentong
Hindi natawa ang mga Pinoy sa pagpanaw ng komedyanteng si Bentong na namatay sa edad na 55. Siya ay pumanaw noong Pebrero 9.
4. Gary Lising
Isa ring kilalang komedyante, si Gary Lising, ay pumanaw sa edad na 78 noong Mayo 31. Natagpuang patay si Lising sa kanyang condo. Dalawang beses nang na-cardiac arrest si Lising dahil sa sakit sa puso.
5. Eddie Garcia
Never na nagkaroon ng kontrobersya ang veteran actor at director na si Eddie Garcia noong nabubuhay pa ito. Pero isang malaking iskandalo ang kanyang pagkamatay noong Hunyo 20, sa edad na 90. Naospital si Garcia matapos mapatid sa isang kable habang nagsu-shooting ng pelikulang Rosang Agimat. Matapos ang ilang araw na pagka-confine sa ospital ay tuluyang binawian ng buhay ang aktor.
6. Mona Lisa
Isa sa mga kinikilalang magaling na beteranong aktres sa bansa, pumanaw si Mona Lisa noong Agosto 25 dahil na rin sa katandaan. Siya ay 97. Nakilala Mona Lisa sa mga pelikula noong 1930s at 1940s.
7. Tony Mabesa
Namatay naman ang veteran stage and theatre actor na si Tony Mabesa noong Oktubre 4. Siya ay 84.
8. Ex-Senate President Aquilino “Nene” Pimentel
Nagluksa ang buong sambayanan nang pumanaw ang dating Senate President na si Aquilino “Nene” Pimente noong Oktubre 20 sa edad na 85 dahil sa sakit na lymphoma. Siya ang founder ng political party na PDP-Laban na ngayon ay pinamumunuan ng kanyang anak na si Senador Koko Pimentel.
9. John and Elizabeth Gokongwei
Gaya ni Henry Sy, ang bilyonaryong negosyanteng si John Gokongwei ay isa ring pilantropo na nasawi ngayong taon. Nobyembre 9 nang siya ay namatay sa edad na 93. Isang linggo matapos pumanaw, namatay rin ang kanyang misis na si Elizabeth Yu Gokongwei sa edad na 85.
10. Lucio “Bong” Tan, Jr
Nasawi si Lucio Tan, Jr., anak ng bilyonaryo ring si Lucio Tan, noong Nobyembre 11, 2019 matapos mag-collapse habang nagba-basketball. Siya ay 53. Si Tan ang may hawak ng PAL Holdings, Inc.
Kung nag-headline ang pagkamatay ng ilang mga kilalang tao sa lipunan, hindi rin nagpahuli sa mga balita ang mga personalidad na nanganak ngayong taon:
1. LJ Reyes
Nanganak ang aktres na si LJ Reyes sa kanyang live in partner na si Paolo Contis sa kanilang anak na babae na si Summer Ayanna Contis noong Enero 4.
2. Andi Manzano
Ipinanganak naman ni Andi Manzano ang kanyang baby girl kay GP Reyes na si Corazon Amelia noong Enero 19.
3. Nathalie Hart
Isinilang naman ng aktres na si Nathalie Hart ang kanyang anak na si Penelope noong Pebrero 6.
4. Miriam Quiambao
Noong Pebrero 16, isinilang ng beauty queen na si Miriam Quiambao ang anak nila ni Ardy Roberto na si Elijah noong Pebrero 16.
5. Marian Rivera
Nagsilang naman ang aktres na si Marian Rivera sa kanilang second baby ni Dingdong Dantes noong Abril 16. Pinangalanan nila ang kanilang anak na lalaki na si Jose Sixto Dantes IV.
6. Andi Eigenmann
Isinilang ni Andi Eigenmann ang kanyang ikalawang anak courtesy of boyfriend na surfing champion na Philmar Alipayo noong Hulyo 25.
7. Mariel Rodriguez
Nanganak naman ang misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez sa kanilang second child sa Amerika noong Nobyembre 16, na si Maria Gabriela.
8. Solenn Heussaff and Anne Curtis
Big news din ang pagbubuntis at inaasahang panganganak ng mag sister-in-law and BFFs na sina Solenn Heussaff at Anne Curtis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.