PATAY ang matanda na bumibisita lamang sa Puerto Princesa City matapos na sumiklab ang sunog sa isang residenrial area Miyerkules ng gabi, ayon sa mga otoridad.
Sinabi ni Bureau of Fire Protection (BFP) Puerto Princesa Fire Marshal C/Insp. Nilo Caabay Jr. na siyam na bahay ang apektado ng sunog kung saan umabot sa P200,000 ang naabo sa Purok (zone) Huwaran sa Barangay Tiniguiban ganap na alas-7:46 ng gabi.
Idineklarang naapula ang sunog ganap na alas-9 ng gabi.
Base sa ulat, natagpuan ng kanyang anak na si Roland, ang biktima na si Luceña Valdez, 67, sa dagat ilang oras matapos ideklarang naapula ang sunog.
Ayon sa ulat, galing ang biktima sa Maynila at bumisita lamang para sa kapaskuhan
Inakala nilang nakalabas ang biktima nang tangkain ng apo na hilahin siya mula sa nasusunog na bahay.
“The structures were made of light materials and the location was in a coastal area, which made it difficult for the responders,” sabi ni Caabay.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog na nagsimula sa bahay ng mga Valdez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.