Ai Ai sa Netflix movie na First Temptation of Christ: Masusunog kayo sa impiyerno! | Bandera

Ai Ai sa Netflix movie na First Temptation of Christ: Masusunog kayo sa impiyerno!

- December 23, 2019 - 12:01 AM

LUMIKHA ng ingay ang Brazilian comedy film na “The First Temptation of Christ” matapos itong ireklamo ng mga viewers ng Netflix.

Umiikot na ngayon ang petisyon sa iba’t ibang panig ng mundo para iboykot at ipahinto ang pagpapalabas ng nasabing pelikula sa Netflix.

Isa ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas sa agad nag-post sa kanyang social media accounts para hikayatin ang lahat na pumirma sa petition. Aniya, isang paglapastangan at hayagang pambabastos sa Diyos Ama, kina Jesus Christ, Virgin Mary at St. Joseph ang nasabing pelikula.

Sa nasabing Christmas special na ipinrodyus ng Porta dos Fundos mula sa Brazil, ginawang bading si Jesus Christ sa kuwento habang humihithit naman ng marijuana si Virgin Mary at walang patumanggang nagmumura ang iba pang Biblical characters.

“Patawarin mo po sila LORD (clasp hands emoji). Sign the petition to stop showing this sa NETFLIX —(frowning emoticon) sino man ang gumawa nito masusunog kayo sa impyerno.. #sacrilege #blasphemy,” ang mensahe ni Ai Ai patungkol sa Netflix movie.

Ayon naman sa mga producer ng “The First Temptation of Christ” hindi sila affected sa banta ng boycott at panawagan sa pagtatanggal sa Netflix ng kanilang kontrobersyal na pelikula.

Anila, homophobic lang daw ang mga nagrereklamo sa kanilang pelikula. Pero kung babasahin ang mga comments sa mga websites ay blogs sa internet tungkol dito, mas maraming nagsasabing dapat ipatigil na ang pagpapalabas ng pelikula dahil sa hayagang pang-aalipusta at pambabastos sa mga Kristiyano at iba pang relihiyong naniniwala sa pagkabanal ni Hesukristo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending