Rocco umamin: ninerbiyos katrabaho sina Yeng, Joem at Miles | Bandera

Rocco umamin: ninerbiyos katrabaho sina Yeng, Joem at Miles

Bandera - December 21, 2019 - 12:10 AM

ROCCO NACINO AT JASMINE CURTIS

MATAPOS makatrabaho ilang Kapamilya stars sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na “Write About Love’, looking forward ang Kapuso hunk actor na si Rocco Nacino na makasama sa future projects ang iba pang artista ng ABS-CBN.

Unforgettable at super happy ang naging experience ni Rocco sa “Write About Love” kung saan nakasama niya sina Miles Ocampo, Joem Bascon at Yeng Constantino na puro mga taga-ABS-CBN.

“Binibiro ko nga sila, sabi ko ako yung nag-stand out kasi three against one. Pero it was surprisingly easy to work with all of them at napaka-welcoming nila. Siyempre, ako yung kailangang mag-effort to break yung ice para mas maging madali ‘yung trabaho namin,” pahayag ni Rocco.

Paano ba niya ilalarawan ang tatlong co-stars niya sa movie? “Si Joem kaibigan ko yan, pero first time ko siyang makatrabaho. And to see him actually work naging tagahanga ako. Sabi ko, kaya pala Joem is Joem. Si Miles naman, she is super enthusiastic sa mga eksena niya. Kumbaga, yung istorya at yung character ay talagang ginawa para sa kanya,” paglalarawan niya sa dalawa.

“Yeng is a different kind of enthusiastic kasi iba yung mundo niya, eh, from music industry to acting. Ang dami niyang tanong sa akin on how to be an actor, paano gumawa ng mga eksena. So it’s nice na at least ngayon parang nakakabahagi ako ng kaalaman niya sa pag-arte,” pahayag pa ng binata.

Kinabahan daw si Rocco noong unang araw ng kanilang shooting, “I walked into the set na ninenerbiyos. Ang dami kong tanong, medyo dina-doubt ko yung sarili ko na, ‘Magagawa ko ba ito?

Pataasan ba ito ng galing o pakitang-gilas ba ito?’ Pero hindi, eh ,it became very, very easy and everyone just wanted to create something really beautiful.”

Kung mabibigyan ng chance, gusto niyang makatrabaho ang iba pang Kapamilya stars, “Kahit sino, game ako. Personally kasi hindi ko sila kilala lahat, eh, si Kathryn (Bernardo) pa lang ang nakilala ko and I’m so happy na successful yung movie nila ni Alden (Richards). Hopefully, if given the chance definitely very open ako na maka-work yung iba.”

Showing na sa Dec. 25 ang “Write About Love” mula sa TBA Studios sa direksyon ni Crisanto Aquino.

* * *

Bukod sa “Write About Love”, tuluy-tuloy pa rin ang taping ni Rocco para sa pinakaaabangang Pinoy remake ng hit Korean series na Descendants of the Sun na isa sa mga pasabog ng GMA sa pagpasok ng 2020.

Ngayong Linggo, Dec. 22, mapapanood na ang full trailer ng DOTSph. Hindi na nga makapaghintay ang buong sambayanan na mapanood ang ito sa Kapuso Network na pinagbibidahan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Ultimate Star Jennylyn Mercado, with Rocco and Jasmine Curtis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi pa man umeere ang primetime soap, nakaabang na ang avid fans sa magiging chemistry onscreen nina Dingdong at Jennylyn at siyempre looking forward na silang mapanood ang iconic scenes sa serye. Favorite rin nila ang theme song ng DOTSph na “You Are My Everything” na kinanta ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose. Kaya tutok na ngayong Sunday bago mag-Kapuso Mo, Jessica Soho para sa full trailer ng Descendants of the Sun.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending