Serbisyo ng DOLE, Aboy kamay sa Tulong ng Mobile App | Bandera

Serbisyo ng DOLE, Aboy kamay sa Tulong ng Mobile App

Liza Soriano |December 20,2019
facebook
share this

Serbisyo ng DOLE, Aboy kamay sa Tulong ng Mobile App

Liza Soriano - December 20, 2019 - 12:15 AM
ABOT kamay na ng publiko ang Department of Labor and Employment kasunod ng paglulunsad nito ng isang mobile application na nag-aalok ng ibat ibang serbisyo nito sa mga Pilipinong manggagawa sa buong mundo.

Ang DOLE mobile application ay magbibigay daan sa mga manggagawa, partikular sa mga overseas Filipino worker upang mabilis na mabatid ang mga napapanahong balita at regulasyon sa trabaho at magkaroon ng mabilis na koneksyon sa departamento at sa mga Philippine Overseas Labor Offices (POLO) sa kani-kanilang mga bansa.

Ang application ay layong magbigay ng pangunahing daan para sa mga manggagawa at OFW upang mapalapit sa DOLE at sa POLO.

Sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya, maaari na nilang idulog ang kanilang mga hinaing na may kaugnayan sa paggawa at iba pang reklamo

Maaari ng ma-download ng libre ang application sa Google Play Store para sa mga Android devices at sa App Store para naman sa mga Apple devices.

Isa sa pangunahing feature ng application ay ang ‘Wage Calculator’ na magbibigay daan sa mga gagamit upang makalkula ang kanilang suweldo kasama ng overtime, holiday pay, at iba pang mga kaltas sa sahod.

Magkakaroon na rin ng koneksyon ang mga manggagawa at OFW sa mga hotline number, at contact details ng mga labor office sa ibang bansa sa oras ng pangangailangan at agarang tulong. Liban pa rito, tutulungan rin ng application ang mga manggagawa na mahanap ang pinakamalapit na sangay ng DOLE o ng POLO batay sa kanilang Global Positioning System (GPS) location.

Mayroon ring ‘submit an inquiry’ form kung saan ang mga gagamit ay maaaring magpadala ng kanilang katanungan, report, o reklamo/ mga paglabag ng kanilang mga employer sa departamento para sa naaayong aksyon.

Sa tulong ng kanilang mga mobile devices, magkakaroon na ang mga manggagawa ng kaalaman sa kanilang mga karapatan at benepisyo sa pamamagitan ng pagtungo sa ‘Handbook for Workers’ Statutory Monetary Benefits – 2019 Edition.’

Nakalathala rin dito ang mga balita at anunsyo na nakapaskil sa website ng DOLE, mga bureau at attached agency, at isang ‘hot jobs’ button na mayroong link patungo sa website ng PhilJobNet upang mas madali silang makahanap ng bakanteng trabaho na maaari ilang aplayan sa tulong ng mobile application.

Ang naturang mobile app ay isa sa mga hakbangin upang paunlarin ang pagbibigay serbisyo ng kagawaran at nakatakda itong pormal na ilunsad sa gaganaping ika-86 na anibersaryo ng DOLE sa susunod na Information and Publication Service


Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending