MayWard namigay ng regalo sa mga matatandang nasa kalye | Bandera

MayWard namigay ng regalo sa mga matatandang nasa kalye

Alex Brosas - December 20, 2019 - 12:30 AM

MAYMAY ENTRATA AT EDWARD BARBER

Teary-eyed ang MayWard fans dahil sa short video nina Maymay Entrata and Edward Barber which showed they giving basket of goodies sa mga matatandang nasa kalye.

“Ito ang pinaka masayang araw ng aking buong taon. Sa lahat ng nag volunteer, tumulong, at nag ambag para matupad ang kay tagal ko ng pinaghandaan, maraming maraming salamat po. Nawa’y tuloy-tuloy at marami pang ngiti ang ating maibahagi sa kanila. Muli, maraming salamat po.”

That was Maymay’s caption sa video niya which was posted sa Facebook. Grabe, ang daming na-happy na fans sa gesture na iyon ng dalawa.

“Merry Christmas May. Napaiyak mo ako sa sobrang bait mo mula noon hanggang ngayon dika pa rin nagbabago. Salamat sa pa share sa mga blessings mo. Stay what u are may lov na lov ka nmin kau ni Edward. God bless u more and more.”

“Merry Christmas MayWard ang bait nyo subra. Sana magkita pa po tayo at mahawakan ko pa ng matagal ang mga kamay nyo. Sana d po kayong magsawang magpasaya sa mga tao. Habang tinitingnan ko to. Natutuwa ako talaga ang sarap nyong yakapin. Sana d kayo magbago. God bless you Mayward. #1ka sa puso namin.”

“Awww! Iba tlaga ang feeling kapag may napapangiti kang mga tao yung ngiting tunay. Good idea yan Maymay. Mas lalo ka pang pagpapalain at ibi-bless ni Lord. Napakabuti mo at s lahat ng mga kasama mo.”

“Napaiyak ako sa tuwa. Kahit ako pag ganyan mamahagi din ako kasi kapag me nakikita akong mga pulubi sa daan sobra akong naaawa. Saludo ako sayo Mayang at Dodong. Kaya idol ko talaga kayo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending