Janine Gutierrez sa pagbabalik ni Bong Revilla sa GMA: Oh God... | Bandera

Janine Gutierrez sa pagbabalik ni Bong Revilla sa GMA: Oh God…

Ervin Santiago - December 19, 2019 - 05:26 PM

TRENDING ngayon ang reaksyon ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez sa pagbabalik ni Sen. Bong Revilla sa GMA 7.

In-announce ng Kapuso Network na sa susunod na taon ay mapapanood na uli ang senador sa bago nitong programa, ang fantasy weekly series na Agimat Ng Agila, ang papalit sa magtatapos nang Daig Kayo Ng Lola Ko.

Ni-repost ni Janine sa kanyang Twitter account ang feature article ng GMA tungkol sa bagong programa ni Sen. Bong. Ang maikling caption ng girlfriend ni Rayver Cruz sa nasabing artikulo, “Oh God.”

Maraming netizens ang humanga sa tapang ng dalaga dahil kahit na sa GMA 7 siya nagtatrabaho ay nagawa pa rin niyang manindigan sa kanyang paniniwala. Isang netizen ang nagkomento sa po niya ng, “HAHAHAHAHAHAHA!” At sinagot naman ito ni Janine ng, “Di ko kaya besh.”

Sagot naman ng kanyang follower sa Twitter, “Yeaaah. Thanks for being honest, Janine! (heart emoji).”

Nag-react din dito ang Kapuso actor na si Mikoy Morales na nag-post ng isang “surgical mask emoji” bilang komento sa ipinost ni Janine.

Narito ang ilan pang comments ng mga Twitter followers ni Janine.

“I like you now for this. You just gain an admirer. I admire artist who are brave enough to voice out what they feel even if its against authority.”

“I feel you @janinegutierrez naHB ako. Maraming artists sa @gmanetwork @ArtistCenter na mas deserving magkaroon ng show.”

“Yes. oh, dear, merciful God. My mother watches abscbn ts’ but turns to @GMA_PA for news&docus. when she saw the plug, i think @gmanetwork lost her for good.
may mga apo daw siyang mga bata that she wants to protect.”

“Finally, someone from the industry said something. Well done you, young lady.”

“We will do our part, Janine! Trust us. Hindi dapat nabibigyan ng airtime ang mga gahaman. Bakit kasi hindi kayo nila Mikoy ang nakikita ko sa TV screen ko ngayon!”Kung matatandaan, nauna nang kinontra ng OPM veteran singer na si Jim Paredes ang pagbabalik sa GMA ni Sen. Bong. Aniya,

“PERA PERA PERA lahat. Ok Lang sa inyo na maging role model siya ng kabataan? C’mon GMA. You can do better than this.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Why would a franchise ALLOW this? That is the bigger question. They have social and corporate responsibilities. Their airwaves belong to the Filipino people,” dugtong pa ng dating miyembro ng OPM icon na APO Hiking Society.

Nasangkot ang senador sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam noong 2013. Nakulong siya ng ilang taon sa Custodial Center ng Philippine National Police sa Camp Crame at nakalaya lamang noong December, 2018 makaraang mapawalang-sala sa plunder case. Nanalo ang aktor-politiko bilang senador sa ginanap na eleksyon noong nakaraang Mayo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending