Willie 2 araw nasa ospital; prayoridad pa rin ang kalusugan | Bandera

Willie 2 araw nasa ospital; prayoridad pa rin ang kalusugan

Cristy Fermin |December 18,2019
facebook
share this

Willie 2 araw nasa ospital; prayoridad pa rin ang kalusugan

Cristy Fermin - December 18, 2019 - 12:14 AM

HINDI pinababayaan ni Willie Revillame ang kanyang kalusugan. Kailan lang ay dalawang araw siyang nagpahinga sa ospital, nagpa-executive check-up siya, regular niyang ginagawa ang ganu’n tatlong beses sa isang taon.

Sa klase ng trabahong meron siya ay kailangan talagang unahin ni Willie ang kanyang katawan. Pagod at stressed siya sa taping ng kanyang matagumpay na programang Wowowin.

Tatlong beses sa isang linggo ang kanyang taping, pagkatapos ng bawat taping nila ay meron naman siyang inaasikasong production meeting, hanggang ngayon nga ay napaka-hands-on pa rin ni Willie sa kanyang programa.

Pero napakasaya niya namang umuuwi lalo na kapag may nakakakuha ng jackpot prize sa Wowowin. ‘Yun ang kanyang bitamina at inspirasyon, makita lang niya ang matamis na ngiti ng naglululundag niyang mga kalahok na nanalo ay mas masaya siya, wala siyang kasingsaya.

“‘Yun ang height ng happiness ko, kapag nakikita kong may bagong pamilya tayong napapasaya. Kapag nakikita kong marami kaming natutulungan, wala na akong mahihiling pa.

“Sila ang lakas ko, sila ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong magpatuloy pa kahit puwede na naman akong magpahinga sa pagtatrabaho,” kuwento ni Willie Revillame.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending