Kathryn pwede nang bumati ng 'Merry Christmas', matagal nang tiwalag sa INC | Bandera

Kathryn pwede nang bumati ng ‘Merry Christmas’, matagal nang tiwalag sa INC

Cristy Fermin - December 17, 2019 - 12:34 AM

KATHRYN BERNARDO

Pasko na. Napagkuwentuhan sa isang umpukan ang biglaang pagbabago ng buhay ni Kathryn Bernardo mula nang talikuran niya na ang pagiging miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC).

Lumaki siyang miyembro ng INC ang kanilang pamilya, at tulad ng alam nating lahat, walang Pasko ang mga taga-INC.

Nang humiwalay na siya sa relihiyon, sa unang pagkakataon ay nakapagdiwang na ng Christmas ang bankable young actress, na-culture shock siya nu’ng una niyang naranasan ang selebrasyon ng Pasko.

Pero ang maganda kay Kathryn, minsan man ay hindi mo siya mariringgan ng anumang kuwento laban sa dati niyang relihiyon, kahit pagkukumpara sa pagiging Katoliko at INC ay walang lumalabas sa kanyang bibig.

Marespeto si Kathryn Bernardo, sinasarili na lang niya ang kanyang konbiksiyon, nirerespeto niya ang relihiyong kinagisnan niya.

May nagkuwento nu’n na ang dahilan diumano ng pagkalas niya sa INC ay si Daniel Padilla. Baka raw kasi hindi niya kayang akayin ang kanyang boyfriend sa pagiging miyembro ng INC.

Pero sabi nga, sa pagmamahalan ay hindi dapat isinasali ang isyu ng relihiyon, kung talagang mahal ng aktor ang kanyang girlfriend ay gagawin nito ang lahat.

Ngayon ay puwede nang bumati si Kathryn Bernardo ng Merry Christmas sa kanyang mga kaibigan, sa kanyang mga kasamahan sa trabaho at sa kanyang mga tagahanga, isang bagay na hindi niya nagawa nang matagal na panahon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending