Pinasok na kontrata sa Maynilad at Manila Water may mapanagot kaya? | Bandera

Pinasok na kontrata sa Maynilad at Manila Water may mapanagot kaya?

Bella Cariaso - December 15, 2019 - 12:14 AM

SA harap ng nararanasang araw-araw na water interruption sa maraming lugar sa Metro Manila ay isiniwalat ni Pangulong Duterte ang kuwestiyonableng kontrata na pinasok ng dalawang nakaraang administrasyon sa dalawang water concessionaires na Maynilad at Manila Water.

Inisa-isa ng Pangulo kung bakit kailangang managot ang mga opisyal ng Manila Water at Maynilad at maging ang mga dating opisyal ng gobyerno na siyang nag-apruba sa concession agreements.

Sinabi ni Duterte na nagbabayad ang mga kostumer ng environmental fee na aniya’y para sana sa pagtatayo ng water treatment na hindi naman nangyari.

Idinagdag ni Duterte na sinasadya umano ang water interruption para igiit ang pagtataas ng singil sa tubig.

Inalmahan din ni Duterte ang P7.39 bilyong claim ng Manila Water sa gobyerno at P3.4 bilyon claim naman ng Maynilad.

Dahil sa banta ni Duterte na kakasuhan ng economic sabotage, kapwa iniurong ng dalawang water concessionares ang kanilang claim at sinabing hindi na maniningil sa gobyerno.

Nitong nakaraang araw, inihayag ng

Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi na palalawigin ang kontrata ng dalawang water concessionaires.

Naging dahilan naman ito para ihayag ng Maynilad at Manila Water na nakatakda silang magpatupad ng 100 porsiyentong taas singil sa tubig.

Rumesbak naman agad ang Palasyo at sinabing nakahanda si Duterte na ipatupad ang lahat na legal na opsyon para protektahan ang mga konsumer sa pagtataas ng singil ng tubig.

“We note that the two Metro Manila water concessionaires, Maynilad and Manila Water, have threatened to increase the water rates by 100% following the decision of the MWSS revoking the extension of their concession agreements. We recall that they offered not to implement the approved new water rates, among others, after the President publicly denounced the onerous provisions of the said contracts,” sabi ni Panelo.

Idinagdag ni Panelo na maaaring mas malala pa ang gawin ng Maynilad at Manila Water kung hindi mapipigilan.

“These concessionaires can do their worst and continue with fleecing the consumers while the President will do his best in serving and protecting the interest of the people,” ayon pa kay Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na patuloy pa rin ang pagrerepaso ni Duterte sa mga sulat na ipinadala ng dalawang water concessionaires.

“All legal options are open to him. It must be remembered that the President is a lawyer and a public prosecutor for many years hence knowledgeable on the provisions of the anti-graft law. An examination of the latter reveals that the contracts are on all fours with it. Stated differently, the agreements violate every prohibited act of the law,” paliwanag pa ni Panelo.

Isinapubliko rin ng Palasyo ang sulat ng Maynilad at Manila Water sa Pangulo noong Disyembre 10, 2019.

Samantala, muling nagbanta si Duterte ng military takeover ng Maynilad at Manila Water.

Sa palitan ng pahayag ng gobyerno at ng mga water concessionaires, ang panalangin lamang nila ay magdulot ito para mapabuti na ang serbisyo ng tubig.

Bukod dito, dapat na mapanagot ang mga nasa likod ng kontrata na sinasabing pumapabor lamang sa mga water concessionaires.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan na lang natin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending