Kris sa nanunukso sa kanila ni Willie: Hindi kami interesado sa isa’t isa, matulog na tayo!
Marami pa rin ang nagsasabi na baka raw sa ending ay sina Kris Aquino at Willie Revillame pa rin ang magkatuluyan. Pareho kasing single ngayon ang magkaibigan at baka nga sila pala talaga ang itinadhana.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kris ng litrato nila ng kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby kasama si Willie. May caption itong, “The 2 giants, Willie, and me. #christmas2019!”
Mukhang tinupad muli ng TV host-comedian ang promise niya kay Josh na muli niya itong bibisitahin sa bahay nila kapag nagkaroon siya ng free time.
May mga followers si Kris na nagsabing bagay na bagay daw sila ni Willie. Baka raw may posibilidad na maging “forever” siya ng Wowowin host na si Willie Revillame. Comment ng isang netizen, “Sana kayo na lang ni kuya Will, parang family pic na!”
Sey naman ng isa, “Baka po kayo ni sir williie ang mag katuluyan in the future sobrang bagay po kayo @krisaquino.”
Suggestion ng isa pa, baka raw puwede na siya maging “Mrs. Willie Revillame” na diretso namang sinagot ni Tetay ng, “We’re not interested in each other. Matulog na tayo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.