Vice: Hindi kaaway ng Showtime ang mga taga-Eat Bulaga, feeling n’yo lang yun
“HINDI namin kaaway ang Eat Bulaga at hindi rin nila kaaway kaming mga taga-Showtime!”
Yan ang ipinagdiinan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa nakaraang presscon ng 2019 MMFF entry niyang “The Mall The Merrier” kung saan makakasama niya for the first time ang kanyang BFF na si Anne Curtis under Star Cinema and Viva Films.
Napag-usapan ang tungkol sa rivalry ng dalawang magkalabang noontime show nang hingan ng reaksyon si Vice sa banggaan ng mga entries sa nalalapit na 2019 Metro Manila Film Festival kung saan muling maglalaban ang mga pelikula nila nina Coco Martin at Vic Sotto.
Agree ang TV host-comedian sa sinabi ni Iza Calzado (bida sa isa pang MMFF entry na Culion) na hindi dapat pinag-aaway o pinaglalaban ang mga artistang kasali sa filmfest. Dapat daw ay maging celebration ito ng mga pelikulang Pilipino lalo na’t Pasko pa.
“Totoo naman, I feel the same thing, di ba, kasi totoo namang magkakatapat yung pelikula namin, pero hindi naman kami magkaka-away,” pahayag ni Vice.
Pero feeling niya, hindi rin maiiwasan na pagsabungin ang mga filmfest entries dahil nga competition din ang taunang MMFF, “Sa pamamaraan din kasi ng pagpo-promote,” said Vice.
“At sa pamamaraan ng pagbibigay ng suporta ng ibang tao. Parang sila yung gumagawa ng sigalot,” aniya pa.
Dito nga nabanggit ng komedyante ang tampuhan nila noon ng kaibigan niyang si Coco Martin na bida naman sa entry na “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.”
“Hindi naman kami nagpapa-interview, yung pelikula namin magkakatapat pero hindi kami magkakaaway,” sey pa ni Vice.
Dugtong pa ng dyowa ni Ion Perez, “Kahit hindi naman sa pelikula, kahit naman sa mga programa, kunyari, Eat Bulaga. Hindi naman namin kaaway ang Eat Bulaga!, ang Eat Bulaga! hindi naman kami kaaway, hindi kami magkaka-away, pero yung mga tao feeling nila magkakaaway at magkakagalit kami.
“Dapat talaga nagse-celebrate, especially kapag Pasko. We just have to celebrate. Set aside kung ano ang hindi maganda, we just have to celebrate kapag Pasko talaga,” aniya pa.
Samantala, inamin ni Vice na mas matindi ang pressure ngayon sa MMFF entry nila ni Anne, “Malaking pressure kasi meron kaming obligasyon sa tao na makapagbigay ng magandang material.
“Yung obligasyon namin sa tao na panindigan ang intensyon namin na makapagpasaya ng napakaraming Pilipino. Seriously, para sa akin hindi pera-pera ito.
“Akala siguro ng tao talagang sobrang ang lala ng laki ng perang inuuwi ko rito. Malaki pero hindi katulad ng inaakala niyo.
“Hindi po ako yung producer na makapag-produce lang, tapos pera-pera. Pinaghihirapan po namin ito, marami kami.
“Pinaghirapan namin kasi gusto naming maibigay ang obligasyon dahil deserve ng mga tao makapanood ng proyektong pinaghirapan,” chika pa ng Phenomenal Box-Office Star.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.