GINAWARAN ng Silver Award para sa “Best Youth Sports Development Program” ang Allianz PNB Life para sa natatanging programa nito sa futsal sa Sports Industry Awards (SPIA) Asia na ginanap nitong Disyembre 3 sa Grand Hyatt Manila, Bonifacio Global City.
Ang parangal ay para sa Allianz National Youth Futsal Invitational (ANYFI) na taunang itinataguyod ng naturang global insurer kung saan kaagapay nito ang Henry V. Moran Foundation at Philippine Football Federation (PFF).
“We at Allianz believe that engaging in sports is a good way for children to learn discipline and achieve their dreams. With this award, we are further affirming our commitment to continue to provide a venue for Filipino kids to be trained in the sport of futsal or football under the best coaches, so they can reach their goal of playing as world-class professional football players,” sabi ni Gae Martinez, Allianz PNB Life chief marketing officer.
Kinilala ang ANYFI, na nasa ikatlong taon na, dahil sa kontribusyon nito para isulong sa bansa at sa kabataan ang mga larong futsal at football. Mahigit 7,000 kabataan na ang nakalahok sa ANYFI at ilan sa kanila ay naglalaro na sa mga pangkolehiyong kompetisyon at sa pambansang koponan.
Dalawa sa ‘gradweyt’ ng ANYFI – sina Konrad Keim Sollorin at JM Mitra, ay naglalaro na sa ibang bansa. Si Sollorin ay naglalaro na para sa Sevenoaks Senior College sa Australia habang si Mitra ay miyembro na ng Los Angeles Surf Soccer Club sa US.
“Futsal and football’s progress in the country continues, and we are excited to see more kids getting into the sport and showing the world that they can compete with the best,” dagdag pa ni Martinez.
Ito ang ikalawang taon na pinarangalan ng SPIA ang ANYFI. Una itong nakakuha ng silver medal para sa “Best Sports CSR” category.
Pinarangalan din sa SPIA Asia sina boxing legend Sen. Manny Pacquiao bilang “Best Asian Sportsman of the Year” category at ang tennis grand slam champion na si Naomi Osaka bilang “Best Asian Sportswoman of the Year.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.