Jomari sa pagbabalikan nila ni Abby Viduya: Wala kaming sinasaktang ibang tao | Bandera

Jomari sa pagbabalikan nila ni Abby Viduya: Wala kaming sinasaktang ibang tao

Cristy Fermin - December 12, 2019 - 12:15 AM

Personal naming nakakuwentuhan-nainterbyu nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu sa “Take It… Per Minute, Me Ganu’n! )” ang kontrobersiyal na aktor na si Jomari Yllana nu’ng nakaraang Martes nang tanghali.

Ganu’n pa rin si Jom, pangiti-ngiti lang, magaling siyang magdala ng problema kahit pa iniihaw na siya nang tustado ng dati niyang ka-live-in na si Joy Reyes.

Nilinaw ng aktor na nagdadalantao pa pala si Joy sa kanilang bunso nang magdesisyon silang maghiwalay. Humarap sila sa Barangay, meron silang mga pinagkasunduan, na tinutupad niya mismo.

Gusto pa sana niyang magkuwento kung bakit hindi naging matagumpay ang kanilang pagsasama, pero marespeto si Jom, mas gusto na lang niyang sarilinin ang mga dahilan kung bakit sila naghiwalay.

Ang mahalaga ay ginagawa niya ang nararapat para sa kanilang mga anak, nagsusustento siya, hindi siya naging iresponsableng ama kung meron man siyang mga pagkukulang at kalabisan bilang karelasyon.

Masaya niyang ikinuwento ang muli nilang pagtatagpo ni Abby Viduya, naging magkarelasyon sila nu’ng mga bagets pa sila, pero ganu’n nga yata ang unang pag-ibig.

“Pareho kaming single, pareho kaming walang sinasaktan. Nagkita muna kami sa Australia, du’n kami nag-usap, bago siya nagdesisyong bumalik na rito.

“Pareho kaming may three kids, nasa Canada ang mga anak niya, matagal na silang hiwalay ng father ng mga bata. Parang ako rin. Single ako, wala akong sinasaktan,” paliwanag ni Jomari.

Maligaya siya ngayon sa piling ni Abby Viduya, cool na cool lang ang kanilang relasyon, naiintindihan nila ang karera ng isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending