13th month ng mga nakapag -advance na SSS pansioners, pwede ng makuha
SINIMULAN na ang pagbibigay ng 13th month pay para sa mga pensioners ng Social Security System (SSS) na nakapag avail ng advance na 18 months pension.
Nagsimula na nito lamang Disyembre 10 ang pagbibibay ng SSS para sa mga thru-the bank pensioners.
Ito ay bilang bahagi na rin ng P12.71 bilyong 13th month pension disbursements sa mahigit 2.83 milyong SSS pensioners ngayong taon.
Ngunit may ilang bangko na kung saan ay Disyembre 5 pa lamang ay ipinasok na sa account ang 13th month pay ng mga pensioners.
Sa kasalukuyan ay 62 partner banks na ang nagpasok ng 13th month sa mga pensioners habang 17 banks pa ang inaasahang magpapasok na rin ng nasabing benepisyo.
Habang ang 13th month pension naman ng mahigit sa 14,000 pensioners sa pamamagitan ng check ay naipadala na sa postal office noon pang Nobyembre 26,2019.
Nagpadala na rin ng sulat ang SSS sa Postmaster General para pabilisin ang paghahatid ng pension sa bahay ng mga pensioners.
Ang SSS ay nagsimulang magbigay ng 13th month pension noong 1998 para sa dagdag na benepisyo sa mga pensioners.
SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman, Quezon City
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.