Paolo Bediones, Hans Montenegro balik-GMA para sa Unang Hirit anniv
BUMALIK ang dating Kapuso host na si Paolo Bediones sa GMA 7 para sa espesyal na episode kahapo ng Unang Hirit. Kasama niyang um-attend sa UH mini-reunion ang former host din ng show na si Hans Montenegro.
“It’s amazing how some things have changed and some things have remained the same. Looking at you guys, iba pa rin ‘yung energy ninyo for the past 20 years and I’m so proud of you guys. And this morning show is very close to my heart kasi dito ako nagsimula,” pahayag ni Paolo sa muling pagbisita sa UH.
Ito’y bahagi pa rin ng 20th anniversary celebration ng Unang Hirit. Napanood si Paolo sa morning show ng GMA simula taong 2007 hanggang 2009 habang si Hans ay naging host UH noong 2000 at tumagal hanggang 2003.
Ano ang favorite segment ni Paolo sa show? “Marami. ‘Yung tumutugtog kami, meron din tayong mga remote location shoots na napakaaga kang gumising, nakakatuwa ‘yung mga days na iyon. Naalala natin ‘yung mga challenges kapag nasa remote tayo na ‘di nakikita ng audience. Ang daming mga bagay-bagay na nangyayari behind-the-scenes.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.