Maine busog na busog sa pagmamahal ni Arjo; Pinatunayang super in love sa isa't-isa | Bandera

Maine busog na busog sa pagmamahal ni Arjo; Pinatunayang super in love sa isa’t-isa

Jun Nardo |December 06,2019
facebook
share this

Maine busog na busog sa pagmamahal ni Arjo; Pinatunayang super in love sa isa’t-isa

Jun Nardo - December 06, 2019 - 01:10 AM

SINULIT ni Maine Mendoza ang kanyang pagbabakasyon sa Amerika, lalo na ang pagbisita niya sa isang theme park sa California.

Busog na busog na ang mga mata niya sa magagandang tourist spots doon, feel na feel pa niya ang matinding pagmamahal sa piling ng boyfriend na si Arjo Atayde.

Hindi na nila kailangang aminin pa sa publiko ang kanilang relasyon dahil ayon nga sa isang kasabihan, “action speaks louder than words”, huh! Magbabakasyon ba sila sa ibang bansa dahil feel lang nila? Of course, not! Feeling namin, ito ang kanilang paraan para ibandera at ipagsigawan sa buong mundo kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Pagkagaling sa States, sasabak na sa bugbugang trabaho si Meng. Bukod sa Eat Bulaga, magsisimula na rin ang promotion para sa 2019 Metro Manila Film Festival movie nila ni Vic Sotto, ang “Mission Unstapabol: The Don Identity” at siyempre tuluy-tuloy pa rin ang taping nila para sa Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl at iba pang showbiz commitments.

Anyway, ngayong Sunday na mapapanood ang bagong episode Daig Kayo ng Lola Ko na pagbibidahan ni Maine bilang isang ballerina pero nagiging Christmas ornament dahil sa kasakiman ng kapatid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending