Arjo, Maine naglabas ng 'resibo', pinatunayang magka-date sa US | Bandera

Arjo, Maine naglabas ng ‘resibo’, pinatunayang magka-date sa US

Reggee Bonoan |December 05,2019
facebook
share this

Arjo, Maine naglabas ng ‘resibo’, pinatunayang magka-date sa US

Reggee Bonoan - December 05, 2019 - 12:57 AM

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

FINALLY, may nabasa kaming loyalistang AlDub supporter na naniniwalang magrelasyon na nga sina Arjo Atayde at Maine Mendoza dahil na rin sa sunud-sunod na mga litratong naglalabasan sa social media.

Bukas ang isipan ng ilang AlDub fans na hanggang magkaibigan lang sina Maine at Alden Richards at si Arjo talaga ang love ng dalaga. Pero may “hibanger bashers” pa rin ang hindi matanggap ang katotohanan dahil sa bawa’t litratong napo-post na magkasama ang ArMaine ay laging sinasabing “edited” lang ang mga ito.
May mga nakakilala kina Arjo at Maine habang nakapila sa Disney California Adventure Park kaya’t kinunan sila na hindi alam ng dalawa, ipinadala nila sa amin ang mga ito with matching video pa. Nakasuot ng makapal na pink jacket si Maine habang naka-hoodie naman si Arjo (kalawangin ang kulay) with light brown baseball cap. Nakaangkla pa nga ang kanang kamay ng dalaga sa kaliwang braso ng aktor.

Anyway, base sa nalaman naming impormasyon habang sinusulat namin ang balitang ito ay kasama ni Maine ang buong pamilya niyang nagpunta sa Amerika para dalawin ang mga kaanak nila sa Los Angeles, California. Si Arjo naman ay umalis noong Biyernes, Nob. 29, hindi lang namin sigurado kung talagang planado an pagkikita nila roon o nagkataon lang. At dahil kasama ni Maine ang buong pamilya at kasama rin niya si Arjo ay naniniwala kaming kinikilala na nila nang husto ang aktor.

Samantala, isa pang patunay na magkasama sina Arjo at Maine sa US ay ang ipinost ng aktor na litrato niya sa Instagram na may caption na, “Distracted, She’s cute.” Makikita sa shadow kung sino ang kumuha sa kanya. Kaya sa mga hibanger bashers, gumising na kayo sa katotohanan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending