Dimples handang iwan ang showbiz para sa pamilya, pero... | Bandera

Dimples handang iwan ang showbiz para sa pamilya, pero…

Julie Bonifacio |December 05,2019
facebook
share this

Dimples handang iwan ang showbiz para sa pamilya, pero…

Julie Bonifacio - December 05, 2019 - 12:42 AM

DIMPLES ROMANA

“The show must go on” para rin kay Dimples Romana when she attended her grand launch bilang endorser ng personal accident insurance na JuanLife.

Naospital kasi ang mister niya that time and in fact, galing siya ng ospital nu’ng dumating siya sa event.

Kakabilib si Dimples, ‘di ba? Kahit ano’ng busy niya basta kailangan siya ng mister niya, present siya at pag may commitment naman siya, kahit may aberya kung keri naman niyang pumunta, ‘di niya iniindyan.

This must be the reason kaya walang reklamo ang mister ni Dimples na si Boyet sa sobrang kabisihan niya sa kanyang career.

“Kailala ninyo naman ang asawa ko, napakabait noon sa akin. Hindi ko rin ‘to magagawa, sa totoo po, kapag sinabi sa akin ng asawa ko, tama na. Today, like today, tama na. Susundin ko. Kasi, masyadong matagal na rin ‘yung panahon na pinagbigyan niya ako,” lahad ng aktres.

Makakaya ba niyang talikuran ang showbiz pag pinatigil siya ng mister niya? “Siyempre hindi ko kaya. Pero, para sa pamilya, ‘di ba? Pero alam ko rin na ‘yung asawa ko will never ask me that. Si Boyet, nu’ng nag-Magandang Buhay kami, tinanong siya kung ano ang wish niya para sa akin.

“Naiyak nga ako kasi, hindi naman talaga pinag-uusapan yun, e. Kayo ba sa pamilya ninyo pinag-uusapan ninyo ‘yung wish ninyo? Ang sabi ni Boyet, ‘Si Dimps masaya siya sa trabaho niya. Ang gusto ko lang palagi siyang masaya.’”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending