Horoscope, Dec. 5, 2019 | Bandera

Horoscope, Dec. 5, 2019

Madam Sophia |December 05,2019
facebook
share this

Horoscope, Dec. 5, 2019

Madam Sophia - December 05, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan isang kaibigan ang magkakatagpo may iaalok na pagkakakitaan – sunggaban agad, pagkakataon mo na para madagdagan ang iyong income. Sa lovelife, sa biglaang romansa, masarap na karanasan ang mararamdaman. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 43 at 48. Red at violet ang buenas. Swerte ang initial na  O. at P.   

Aries – (Marso 21-April 19)

    Iwasang maging mainitin ang ulo. Sa pagiging mahinahon, mas lalago ang kabuhayan. Sa lovelife habang nagpapakabait lalong sasarap ang relasyon. Markahan ang 6, 15, 24, 33, 38 at 45. Orange at pink ang buenas. Swerte ang initial na  K. at Y.

Taurus – (April 20-May 20)

         Wag ibinbin ang mga proyektong ipinapagawa sa iyo na nagiging dahilan upang bumagal ang dating ng pera. Sa lovelife, iwasan ang mga immoral at illegal na gawain upang hindi mapahamak. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 41, at 47. Blue at magenta ang buenas. Swerte ang initial na  F. at N.

Gemini – (May 21-June 21)

           Mangyayari ang mga bagay na inaakala mong imposibleng maganap. Sa pinansyal aangat ng husto ang graph ng pag-unlad. Sa lovelife  sa bandang hapon hanggang gabi, may isang hindi inaasahang romansang matitikman. Markahan ang 4, 17, 28, 31, 40 at 42. Yellow at blue ang buenas. Swerte ang initial na  R. at A.

Cancer – (June 22- July 22)

          Magkakapera ng malaking halaga kung lagi kang magdidikit sa isang Capricorn. Kapag nagkapera, paglaanan ang nalalapit na pasukan upang mas maging maligaya ang pamilya. Markahan ang 2, 7, 16, 28, 35, at 47. Green at beige ang buenas. Swerte ang initial na D. at F.

Leo – (July 23 – August 22)

        Tama ang ginagawa paglalaan ng oras sa page-exercise, para magpa-sexy. Mahirap talaga ang tumataba lalo na’t magpapasko pa naman. Alagaan mo ang iyong katawan at kalusugan, upang kapag natupad na ang pangarap na pagyaman, mapapakinabangan mo ng husto ang mga naipong mong materyal na bagay. Markahan ang 7, 19, 22, 25, 34, at 44. Red at lilac ang buenas. Swerte ang initial na   A. at S.

Virgo – (August 23 – September 22)

          Tumatanda ka na, hindi mo ba napapansin? Sa pinansiyal, paglaanan ng maraming pera ang iyong kinabukasan! Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon ipalasap sa  kasuyo ang pinakamasarap na romansa. Markahan ang 3, 6, 18, 23, 33, 40 at 44. Green at blue ang buenas. Swerte ang initial na R. at G.

Libra – (September 23-October 23)

            Lingid sa iyong kaalaman maraming humahanga sa iyo! Sa unang araw ng Simbang Gabi may magandang regalong matatanggap buhat sa isang secret admirer. Markahan ang 6, 12, 15, 26, 36, at 45. Pink at blue ang buenas. Swerte ang initial na  B. at O.

Scorpio – (October 24 – November 21)

           Hindi mo napapansin inuuto at sinasamantala ka lang nila. Ipakita sa minamahal at sa mga kaibigan na marunong ka ring magalit upang hindi sila umabuso. Markahan ang 7, 13, 22, 31, 40 at 48. Green at black ang buenas. Swerte ang initial na E. at R.

Sagittarius – (November 22 – December 21)

            Hindi ka dapat magsawa sa iyong ginagawa, alalahanin mong dyan ka kumikita ng pera. Sa pag-ibig hindi rin dapat pagsawaan ang kasuyong Gemini, sa kabila ng lahat napagtyigaan ka niya. Markahan ang 3, 16, 21, 33, 38 at 46. Maroon at blue ang buenas. Swerte ang initial na C. at J.

Capricorn – (December 22 – January 19)

             Iwasan ang isang hangal na pag-ibig hatid ng isang nilalang na medyo chubby o mataba. Sa pinansyal, wag ubusin lahat ang perang hawak sa maluhong Holiday Season, ngayon pa lang pag handaan mo na rin ang Valentine’s day. Markahan ang 2, 17, 26, 34, 40 at 45. Silver at white ang buenas. Swerte ang initial na D. at S.

Aquarius – (January 20 – February 18)

           May bababala ng karamdaman. Pahinga muna sa tabaho. Mag-libang, makinig ng musika habang nagpe-Facebook.  Sa lovelife, iwasang makipag-chat sa mga hindi kakilala, may babala na ikaw ay mapahamak. Markahan ang 8, 15, 26, 34, 40 at 43. Maroon at orange ang buenas. Swerte ang initial na  G. at P.

Pisces – (February 19 – March 20)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

         Inilista ng langit ang iyong pangalan sa mga makakatanggap ng suwerte at magandang kapalaran ngayon nalalapit na ang kapaskuhan. Kapag may somobra, ipamigay mo sa mga mahihirap ang mga biyayang matatanggap upang lalo pa itong dumami at madoble sa susunod na taong 2020. Markahan ang 5, 13, 27, 33, 39 at 43. Magenta at lilac ang buenas. Swerte ang initial na  E. at M.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending