Pulis pisak sa trak sa gitna ng bagyo | Bandera

Pulis pisak sa trak sa gitna ng bagyo

John Roson - December 03, 2019 - 01:20 PM

NASAWI ang isang nagmomotorsiklong pulis nang mabundol at makaladkad ng trak matapos sumemplang sa gitna ng pag-ulang dala ng bagyong “Tisoy,” sa Lucena City, Quezon, Lunes ng gabi.

Nakilala ang naswi bilang si SSgt. Jovel Villanueva, 33, residente ng Pagbilao at nakatalaga sa 1st Provincial Mobile Force Company, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-8, sa bahagi ng Diversion Road na sakop ng Brgy. Domoit.

Nagmomotorsiklo si Villanueva patungong Pagbilao nang sumemplang sa kalsada, na naging madulas dahil sa waang puknat na pag-ulan, ayon sa ulat.

Habang tumatayo ang pulis, nabundol at nakaladkad naman siya ng dropside truck (UER-767) na dala ni Raulito Quijano, 54.

Dead on the spot ang biktima dahil sa matinding pinsalang tinamo at maging ang kanyang motor ay nasira, ayon sa pulisya.

Nasa kostudiya ng lokal na pulisya ang driver ng trak para sa karagdagang imbestigasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending