Pia Wurtzbach naniniwalang maiuuwi ni Gazini Ganados ang Miss U Crown 2019

By Ervin Santiago December 03,2019
share this

Pia Wurtzbach naniniwalang maiuuwi ni Gazini Ganados ang Miss U Crown 2019

By Ervin Santiago December 03,2019
share this

PIA WURTZBACH

POSITIBO si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na maiuuwi ni Gazini Ganados ang 2019 Miss Universe crown para sa isang bonggang back-to-back win ng Pilipinas.

Naniniwala si Pia na handang-handa na si Gazini para sa gaganaping Miss Universe pageant sa Amerika ngayong Disyembre. Isa kasi siya sa mga nagbigay ng oras para sa matinding training ng beauty queen para bigyan ng magandang laban ang iba pang malalakas na kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hindi man siya makakapunta sa Miss Universe grand coronation sa Atlanta, siniguro naman ngi Pia na maaga pa lang ay tututok na siya sa livestream ng pageant. Mensahe pa niya kay Gazini, “Naku girl, bring back home, back to back home the crown!”

Samantala, sa gagawin namang paggunita sa World AIDS Days, nagbigay ng mensahe si Gazini Ganados sa pamamagitan ng Instagram para sa lahat ng mga HIV-AIDS advocates. Dito, hinikayat niya ang lahat ng Pilipino worldwide na magpa-AIDS test na para sa kanilang kapakanan pati na rin sa mga partners nila.

“Today is World AIDS Day. I hope that we take this opportunity to pledge whatever we can to help eliminate the stigma about HIV and AIDS.
Get tested and be informed about your status! Ignorance and prejudice are fueling the spread of a preventable disease.
We can end AIDS together.
“You are not alone. Visit @loveyourself.ph and get tested,” aniy Gazini.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending