Daniel handa na bang ibigay ang ‘basbas’ sa pagpapakasal ni Karla?

By Julie Bonifacio December 03,2019
share this

Daniel handa na bang ibigay ang ‘basbas’ sa pagpapakasal ni Karla?

By Julie Bonifacio December 03,2019
share this

 

KARLA ESTRADA AT DANIEL PADILLA

SA hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalubong namin si Daniel Padilla sa opisina ng Cornerstone Entertainment. May recording siya that day habang kami ay naroon para sa presscon ng Miss Silka Philippines 2019.

Paglabas ng recording studio ni DJ ay nabungaran niya kami at ilang members of the press na kumakain bago mag-start ang presscon ng Miss Silka PH 2019. Then, he granted us an exclusive interview. Usap-usapan na sa showbiz at social media ang paglantad ng bagong boyfriend ng kanyang inang si Karla Estrada sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay.

Ang pag-apir ni Jay Ignacio sa show ay isa sa mga sorpresa ng staff for Karla bilang bahagi ng birthday celebration ng nanay ni Daniel. Tinanong namin si DJ na baka maunahan pa sila ni Kathryn Bernardo ng kanyang Momshie Karla at BF nito na magpakasal, “Uh, masyado pang maaga para isipin ‘yun. Masyado pang bago ang pag-ibig,” lahad ni Daniel.

Tinanong din namin siya na if ever pumayag nang magpakasal si Karla kay Jay, ibibigay ba niya ang kanyang “basbas”, “Well, mararamdaman naman namin ‘yun ng mga kapatid ko, kung tama bang ‘yun ang maging desisyon, ‘di ba? Pero ngayon, nagtatantiyahan pa tayo,” honest na sagot ng binata.
Biniro namin si Daniel na base sa sagot niya, tila parang ayaw pa niyang mag-asawa ang kanyang Momshie, “Hindi naman sa ayaw. Pero tayo, e, nananantya lang,” diin pa ni Daniel.

That’s a natural reaction from Daniel. For the longest time nga naman, e, walang naging ibang lalaki sa buhay ng kanyang Momshie Karla. At worried lang syempre siya na baka muling masaktan ang kanyang ina. Tama?
* * *
Speaking of Daniel Padilla, isa siya sa top choices na celebrity crush ng mga naggagandahang kandidata sa Miss Silka Philippines 2019.

Sabi ni Miss Zambales, “Kasi before, meron na siyang tinulungan, yung mga nasalanta ng bagyo, lalo na ang mga bata. So, dahil doon, na-capture niya ang heart ko. Ako rin kasi, tumutulong sa mga bata way back 2016. ‘Yun talaga nag nagustuhan ko kay Daniel, may malasakit siya sa mga tao. Hindi lang dahil sikat siya, but, gusto niyang tumulong dahil may mabuti siyang puso.”

Handa namang ma-bash si Miss Baguio ng JaDine fans dahil si James Reid ang kanyang crush and given a chance, gusto rin niyang maging leading man sa pelikula ang boyfriend ni Nadine Lustre.

Pasok din sa mga pinili ng 2019 Miss Silka candidates sina Arjo Atayde, Vice Ganda at pati si Angel Locsin. Say ni Miss Batangas, “Kung magkakaroon po ako ng chance, gusto ko pong makatrabaho si Vice Ganda. Kasi gusto ko kung paano siya magpakatotoo sa tao, and how, he makes us happy. ‘Yun po.”

Para naman kay Miss Leyte, “Ano po sa showbiz crush, it would be Mr. James Reid because he has very high respect for women and, he empowers his girlfriend, Nadine Lustre, very much. He supports how, the way she dresses, the way she works, and she doesn’t say no as long as he makes his woman happy. I think, that’s really what makes a guy handsome is his high regard for women.”

Ni-represent ng 26 candidates from different provinces who have won their respective regional titles at maglalaban-laban para sa korona bilang Miss Silka Philippines 2019. In fairness, bongga ang prizes ng winners gaya ng kinoronahang Miss Silka Philippines na nag-uwi ng P150,000 cash at iba pang exciting prizes. On top of that, P100,000 worth of donations will be given to her chosen charity.

“We want to focus on and remove the stigma from self-love, self-care and independence. We want all Filipinas to know that self-care or ‘alaga sa sarili’ is essential. It is not about being wrapped up in oneself, as it strengthens and enables us to fully support and take care of others (our loved ones), contributing positively to community, society and one’s chosen advocacy. Once you do that, makikita mo how much more you can gives ‘alaga’ to others,” pahayag ng Senior Brand Manager of Silka na si Eunice de Belen.

Ang multi-awarded actress naman na si Angelica Panganiban ang bagong celebrity endorser ng Silka Green Papaya Soap.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending