SEA Games: 20-year old newbie nagbigay ng unang pencak silat gold
SUBIC BAY EXHIBITION AND CONVENTION CENTER – Kinuha ng pencak silat ang unang gintong medalya nito para sa Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games matapos paibabawan ni Edmar ang men’s seni tunggal event Lunes ng tanghali dito.
Pinahanga ng 20-anyos mula Tubongan, Iloilo ang mga hurado sa kanyang kauna-unahang biennial meet stint sa iskor na 470 puntos upang higitan sina Muhammad Iqbal Bin Abdul Rahman ng Singapore na naguwi ng pilak sa iskor na 461 puntos at bronze finisher na si Dino Bima Sulistianto na may 460 puntos.
Panganim sa pitong anak ng magsasaka at simleng maybahay, hindi napigilang maging emosyonal ni Tacuel kasunod ng kanyang pagdadagdag ng ginto sa medal haul ng bansa.
“Happy ako na nakakuha ako ng gold medal,” aniya. “Pinapasalamatan ko lahat ng coaches, teammates, mga taga IloIlo, salamat sa panalanagin ninyo. sa buong Pilipinas salamat lahat sa inyo.”
Sinabi ni Tacuel na ang kanyang kaalaman sa arnis- ang kanyang sport simula 2012- ang nagbigay bentahe para mabilis na matuto ng pencak silat.
Isang senior teammate sa kanyang hometown ang tumulong para paunlarin ang talento na nagbigay daan para tuluyang iuhos ang lahat sa pencak silat.
Naging parte si Tacuel ng national team Abril ngayong taon na sinundan kaagad ng matinding emsayo sa Singapore at Thailand.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.