Duterte basag kay Sharon: Kung maghihiwalay kami ni Kiko, sasabihin ko sa inyong lahat!

By Ervin Santiago December 02,2019
share this

Duterte basag kay Sharon: Kung maghihiwalay kami ni Kiko, sasabihin ko sa inyong lahat!

By Ervin Santiago December 02,2019
share this

NANGGALING kay Frankie Pangilinan, panganay nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta, ang screenshot ng pahayag umano ni President Rodrigo Duterte na pinaaalis na raw ng Megastar ang asawa sa kanilang bahay.

       Bahagi ng speech ni PDigong sa pinuntahang event noong Bonifacio Day last Nov. 30, “Pinapaalis na nga ng asawa niya sa bahay niya kaya walang matirhan.

       “Totoo. Tanungin mo. At kung sasabihin mo nagsisinungaling ako, I will resign. Ang sinasabi ko, totoo ‘yan,” ang pahayag pa ng Pangulo.

       Ipinost ni Frankie sa kanyang Twitter account ang report at saad niya sa caption, “Hala buti pa siya alam.”

       Kasunod nito ang tweet na, “Actually kaya po ako nasa NYC (New York City) pati ako nadamay ayaw na daw po ako @home.”

       Sa isa pang tweet, inilabas ng panganay nina Sen. Kiko at Shawie ang screenshot ng report at nag-tweet ng, “OMG when he resigns ur welcome.”

       At bilang buwelta ni Sen. Kiko kay Pangulong Digong, naglabas siya ng picture nila ni Shawie sa social media na magkayakap sa kama bilang katibayan na walang problema sa kanilang relasyon.

       Saad naman ni Sharon sa Instagram, masayang-masaya ang pamilya niya at kung may problema sa kanila ni Sen. Kiko, sa kanya mismo manggagaling ang announcement at hindi kay Presidente Duterte. Narito ang buong pahayag ni Mega about this issue.

“I just spent the whole day with Kiko, Miel, Miguel, Zsa Zsa and Conrad in our farm, so this piece of news sent by Kakie kinda shocked me! I dunno if it’s true that the President, my ‘Tatay,’ really said this, and I haven’t been able to see or speak to him since before my brother’s campaign for Mayor!

“So I don’t know where this is coming from, honestly. If my husband and I separate, you’ll hear it from me! I don’t think anyone expects an announcement of this sort from the President of their country! Tatay likes to joke sometimes, as you all know, because Kiko’s in the Opposition. He has joked a few times against Kiko and about me in the past!

“Please rest assured that all is fine with my family. My stress comes from other people and things, but right now my family and marriage have never been happier! God bless you all! Love you guys. Wait for my post on YouTube of our day today at the farm!”

Si Kiko ay kilalang lider ng Oposisyon habang malapit naman si Mega sa pamilya Duterte lalo na sa anak ng Pangulo na si Davao City Mayor Sara.

Narito naman ang ilan sa mga comments mula sa followers ni Sharon sa IG.

Sey ni @christiemarierafols, “Clearly this is a big JOKE.The president wouldn’t surely do this..ang daming problema sa Pinas at kalugusan nya. Mag chichismis pa ba xia? Haaay naku, ppol gawa2 din tayo ng tama noh?!”

Komento naman ni @pinoyshowbizlatest, “Good thing Sharon still sees the positive despite this so called joke. I respect PRRD but this is sad. Praying for everyone.”

Sabi ni @wanderer_924, “Sobra din kasi kadaldalan mo pati personal na buhay mag asawa at iba personal ikinukwento. You are an example of educated but not well-mannered person @reallysharoncuneta kaya matuto ka na.”

Ito naman ang hirit ni @iam_gardolecruz, “Joke? Kung matino yang Pestedente nyo hindi sya magbibiro ng ganyan sa magasawa lalo na at Megastar at Senator ang dinadamay nya. Pati tuloy ang mga anak nila affected.”

                                        

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending