Young actress baliw sa pag-ibig, grabeng magselos kaya nasasakal ang dyowa

By Cristy Fermin December 02,2019
share this

Young actress baliw sa pag-ibig, grabeng magselos kaya nasasakal ang dyowa

By Cristy Fermin December 02,2019
share this

PINATUNAYAN ng kanyang mga nakatrabaho kung gaano kabaliw sa pag-ibig ang isang magandang young actress. Totoo pala ang mga kuwento na kapag na-in-love ang girl ay du’n na lang umiikot ang kanyang mundo.

    Nakakalimutan niya na ang kanyang sarili, kung walang mga umaayuda sa kanya ay baka malagay rin sa alanganin ang kanyang career, ganu’n siya kasidhing magmahal.

    Malalim siyang magmahal, biro nga ng isang source ay hinuhukay raw niya ‘yun sa ilalim ng tulay, kaya ganu’n siya katinding magpatihulog sa pakikipag-ibigan.

    Kuwento ng isang source, “Hindi niya kayang hawakan ang emotion niya. Sobra siyang nagpapakalalim sa relasyon, hanggang sa masakal-sakal na ang boyfriend niya!

    “E, saan ba napupunta kapag ganu’ng nasasakal na ang lalaki, di ba? It’s either ang guy mismo ang magsawa or ang family ng lalaki ang magre-react dahil sa pananakal niya!

    “Hindi na kasi inspiration ang tawag du’n, masyado na niyang hinihigpitan ang guy, kaya palaging away ang nangyayari,” buwena-manong chika ng aming impormante.

    Nang magsabog kuno ang himpapawid ng pagiging selosa at insecure ay maraming nasalo ang magandang young female pesonality.

    Patuloy ng aming source, “Ano pa ba naman kasi ang ikinatatakot niya? Maganda siya, bagets pa, pero kung anu-ano ang pumapasok sa kukote niya!

    “Kapag umaatake ang pagiging selosa niya, e, wala na, tapos na ang mundo ng lalaki sa kanya! Napakatindi niyang magselos!

    “Wala siya sa lugar, umaariba ang ugali niya kahit nagtatrabaho siya, wala siyang pakialam kung sangkatutak man ang nakapaligid sa kanya!

    “Ganu’n siya katinding atakihin ng selos, sobrang insecure siya, may mabalitaan lang siyang kinausap ng boyfriend niya, e, nababaliw-baliw na ang babaitang ‘yun!

    “Baliw siya talaga, ibang klase siyang magmahal, huwag sana niyang bitbitin ang ugali niyang ‘yun kapag talagang may magseryoso nang guy sa kanya!

    “Hindi sahayang tingnan ang ganu’ng girl, sa totoo lang! Kailangang maging kaaya-aya siya, para magtagal ang pakikipagrelasyon niya!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

    Ayan, may clue na, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kaya siguradong getlak n’yo na kung sino siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending